Need your advice po

Sa kasalukuyan po kami nakikipisan sa in-law ko then napag usapan namin ni LIP na this year bubukod na kami. Then last week lang inopen up niya yun sa mother in law ko. Sabi ni MIL pinag-iisipan niya pa kung ibubukod niya kami kasi yung nag iisang kapatid ni LIP which is mas matanda sa kaniya ay may balak na rin daw mag-asawa, sa makatuwid maiiwan siya mag-isa dito kasi broken family din sila LIP. Almost 3 months palang naman kami dito sa kanila pero kasi di ko kaya talaga na hindi kami nakabukod. Para kong nasasakal kahit 5 lang naman kami dito sa kanila kasama 1 year old naming anak. Masyado kong mahiyain, introvert din kaya di ko talaga kaya makisalamuha ng matagal. Ang hirap din kasi pag may gusto kami bilhin laging pinagpapaalam pa kay MIL si MIL naman todo ang kontra. Katulad nung before christmas gusto sana namin bilhan ng terno na damit yung anak namin magkaroon manlang ng bagong damit last year sabi wag na raw. Kay LIP naman manggaling ang pera. Saka hati naman lagi ang bills at rent dito sa bahay may natitira pa rin na extra kaya makakabili pa rin kami. Hays. And minsan feeling ko pinamumukha sakin na hindi ako maalagang ina, na parang mas kilala pa nila anak ko kesa sakin. Para kong yaya lang nung anak ko kung magsabi sila o magtanong. I need your advice po, kaya naman namin bumukod. Bata pa po kami ni LIP we're both 22 and si MIL is 39, si LIP po ay may stable na job. What's the best thing to do po? Thank you!

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bumukod kayo. Wala karapatan ang Mil mong pigilan kayo, lalo na may family na kayo kelangan unahin. Ang decision nyo ay para sa binubuo nyong family, hindi para skanya. Selfish ang Mil mo. Dapat bigyan kayo ng kalayaang na magdecide, magsarili para din matuto kayo sa buhay, lalo at bata pa naman sya eh. Dapat maninidigan din ang bf mo lalo na kung alam nyang gusto mong bumukod at ayaw mo na nakatira kasama ang in-laws. Kung sakin lalo akong bubukod. Hahaha Ang MIL ko mag isa sa bahay, kasi wala gusto pumisan skanya. Nanindigan akong ayoko tumira skanya kasi kaya naman namin kumuha ng sarili namin. Iba ang nakabukod

Magbasa pa
VIP Member

better kung bumukod na po kayo. pag usapan nyo mabuti ni husband. mahirap talaga kumilos pag ganyan. kung kaya bumukod, Go na. decision should come from you and your husband and not from his mom since adults naman na kayo at may sarili na kayong pamilya

VIP Member

mas nauna nmn kayong makabuo ng family, bakit kayo ang dapat maiwan.. mas maganda pa rin na may sriling bahay pra makagalaw ka ng normal.. nagpplano pa naman mag-aswa ung kapatid nya so grab the chance habang hnd pa knkasal..

Talk to your LIP momsh. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo. Then insist na bumukod na kayo. Hope ndi mamas boy po partner mo para ndi ka lalo ma stress.

Bumukod ka na. Same sitwasyon dito pero mabait nman inlaws ko. Pero mababaliw ka nyan momsh maniwala ka πŸ˜†