Need your advice
Sa kasalukuyan po kami nakikipisan sa in-law ko then napag usapan namin ni LIP na this year bubukod na kami. Then last week lang inopen up niya yun sa mother in law ko. Sabi ni MIL pinag-iisipan niya pa kung ibubukod niya kami kasi yung nag iisang kapatid ni LIP which is mas matanda sa kaniya ay may balak na rin daw mag-asawa, sa makatuwid maiiwan siya mag-isa dito kasi broken family din sila LIP. Almost 3 months palang naman kami dito sa kanila pero kasi di ko kaya talaga na hindi kami nakabukod. Para kong nasasakal kahit 5 lang naman kami dito sa kanila kasama 1 year old naming anak. Masyado kong mahiyain, introvert din kaya di ko talaga kaya makisalamuha ng matagal. Ang hirap din kasi pag may gusto kami bilhin laging pinagpapaalam pa kay MIL si MIL naman todo ang kontra. Katulad nung before christmas gusto sana namin bilhan ng terno na damit yung anak namin magkaroon manlang ng bagong damit last year sabi wag na raw. Kay LIP naman manggaling ang pera. Saka hati naman lagi ang bills at rent dito sa bahay may natitira pa rin na extra kaya makakabili pa rin kami. Hays. And minsan feeling ko pinamumukha sakin na hindi ako maalagang ina, na parang mas kilala pa nila anak ko kesa sakin. Para kong yaya lang nung anak ko kung magsabi sila o magtanong. I need your advice po, kaya naman namin bumukod. Bata pa po kami ni LIP we're both 22 and si MIL is 39, si LIP po ay may stable na job. What's the best thing to do po? Thank you!