TEAM APRIL SUCCESS ♥️

Rykie Briel ??? Baby Boy ?? 39 weeks and 2 Days EDD: APRIL 11 DOB: APRIL 7 WEIGHT: 2.8 KG Via Normal Delivery ?? Share ko lang po yung labor and delivery ko mga momsh. :) April 6, 2020- madaling araw mga 4am bigla akong nagising sa sakit ng puson ko. Mga 5x yun na sunod sunod na sakit, 3 mins interval. Kinapa ko yung underwear ko at medyo basa. Naisipan kong mag CR at dun ko nakita yung dugo sa panty ko. Medyo kinabahan ako, nasa isip ko manganganak na yata ako. Ginising ko agad si LIP ng mga 5am something. Sabi ko may dugo. Napatayo sya agad at tinawag yung mama niya. Pinaligo nila ako tapos inayos agad mga dadalhin sa ospital. Pagdating namin ng ospital, 1CM palang daw ako kaya pinauwi muna ako. Pag first time mom daw kasi matagal tagal pa tumaas ang cm. Naawa ako samin ng LIP ko kasi dala na namin lahat ng gamit namin ni baby ??? Pero ayun umuwi na nga muna kami. Pagkauwi nag squat squat ako tapos lakad lakad. Effective pala yung maliit na upuan (yung upuan panglaba) tapos step ka dun paulit ulit, inoorasan ko kelangan 15 mins. Nung napagod na ako ayun nagpahinga na ako. April 7, 2020- 2am nun, sumasakit puson ko, yung tipong hindi na talaga ako pinapatulog ng sakit. Okay naman yung sakit , pero di talaga ako makatulog. Ininstall ko agad yung app na contractions chuchu, tapos ayun every 4 to 6 mins na yung interval. Di ko pa ginising si LIP kasi kaya ko pa. Habang nakahiga nagpapractice na ako ng proper breathing. ? Mga 8 am, kumikirot na tyan ko. Yung tipong napapapikit at napapakapit na ako sa sakit. Kaya pa naman sya kasi ganun pa din yung interval, may pahinga ako sa sakiy ng mga 3 to 5 minutes. 8:30am, pagkatapos ko maligo ayan na yung sakit. Sabi ko kay LIP maligo na sya gusto ko ng pumunta ng ospital. Feeling ko naglalabor na ako. Pagpunta namin ng ospital sa emergency room, IE agad. Nagulat ako 8CM na sabi ni Doc. Di ko alam pero natuwa ako kasi malapit na at ngayon na namin makikita sa baby. Dinala ako sa labor room nang wala si LIP kaya ayun mag isa kong sosolohin ang sakit nang walang kinakapitan. Sa lagay ko na 8CM parang wala pa yung sinasabing active labor. Nakakachat ko pa sila mama at kuya sa phone. Kumikirot tyan ko pero parang wala lang. Sabi nung nagkabit ng suwero ko bat daw pachill chill pa ako eh 8cm na ako. Kung kelan nalaman ko yung CM ko dun naman nawala yung hilab ng tyan ko. Tinurukan nila ako pampahilab at ayun, sumasakit na ng konti. Mga 1:30 pm, silent labor ako. Masakit pero nakapikit lang ako habang nagpapatugtog ng hillsong. Nagdadasal na gabayan ni Papa God sa delivery ni Baby. 2pm, in-IE uli ako at sabi 6CM daw. Medyo nalungkot ako nun kasi bigla baba CM ko. Nakaupo lang ako sa labor room habang nakikinig ng hillsong at nagdadasal na din. Mga 3pm, pumutok na panubigan ko. Hindi ako makasalita. Tinatawag ko yung mga dumadaan na nurse pero di nila ako napapansin kaya umupo nalang muna ako dahil wala pa naman akong sakit na nararamdaman. Nung nakaramdaman na ako ng hilab at ayan na, napakasakit na ng puson ko at parang natatae na ako na gusto ko ng umire. Naglakas loob ako na tawagin na yung dumaan na nurse at sinabi kong pumutok na panubigan ko, sobrang sakit na. Sabi niya, mamaya pa daw wait ko nalang yung sobrang sakit. Eh grabe nainis ako, ang sakit na talaga eh. Umoo nalang ako. Mga 3:40pm ayun na, ireng ire na ako tapos taeng tae. Kung pepwede nga ako nalang mismo pumunta ng delivery room. Tinawag ko uli yung nurse, sabi ko "DI KO NA PO TALAGA KAYA, TAENG TAE AT IRENG IRE NA PO AKO" Pagkasabi ko nyan sinabing dadalhin na ako sa Delivery room. Thanks God! Di ko na talaga kaya nun. Pagpunta namin delivery room, iniire ko na kada hilab. Grabe, nanginginig na ako sa sakit, di ko ma explain. Ang nasa isip ko nalang mailabas si baby. Grabe hirap umire, sobra. Ginagawa ko naman ng tama kaso ayaw pa lumabas ni baby. Tinurukan uli ako pampahilab kaya ang sakit na. Nanginginig na ako sobra, dasal ako ng dasal. "Anak please lumabas kana wag mo na pahirapan si mama sobrang sakit na." ? Nakailang push ako nun tapos nung sinabi ni doc. na ayan na yung ulo ni baby, ginanahan na ako mag long push hanggang sa --- 4:25pm BABY BOY IS OUT. Nilapag sya agad sa dibdib ko. Nawala lahat ng pagod ko sa pag ire at labor. Iba yung feeling pag nahawakan mo na anak mo at narinig mo iyak nya. Grabe, mapapasabi ka nalang na "Anak ko na to? Akin to?" ♥️ Kala ko maiiyak ako pero wala, wala na kasi ako lakas. Naubos lakas ko kasi nakailang ire ako. Mommy na ako ♥️? pinakamagandang blessing na natanggap ko sa buong buhay ko. Grabe, ang sarap sa feeling na magkaroon ng munting anghel sa tahanan. Salamat kay God di nya ako pinabayaan sa lahat. Kahit ngayon napakasakit pa rin ng tahi ko, naiiyak na ako na di ko maalagaan ang baby ko ng ganun ka hands on kasi di makagalaw sa tahi. ? Sa mga momshie jan, kaya niyo po yan. ♥️ Iba talaga feeling pag nakita niyo na ang baby niyo, lahat ng pagod at sakit mawawala yan. Godbless po sa mga naglalabor sa mga oras na to, nanganganak sa mga oras na to, at nag aantay pa rin lumabas si baby. Tiwala lang po ? Pinakadabest is yung prayer ♥️

TEAM APRIL SUCCESS ♥️
59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po mommy! ❤️❤️ yey nakakatuwa naman basahin yung kwento mo naeexcite na kinakabahan tuloy ako dahil due ko na sa May. Godbless sainyo ni baby boy 💕😇😇

5y ago

Thank you so much mamsh, buti nalang nabasa ko to hehehe oo excitement nalang ang iisipin ko habang nagli labor 😊😊 goodluck po sa mommy journey 🥰🥰

Your story inspires me.. Sana makayanan ko din.. First time baby ko din... Mejo malayo pa pero kinakabahan ako.. Di ko alam proper na pag ire

5y ago

Noted mamsh.. Thank you sa tips

VIP Member

congrats mommy. thanks for sharing your story. im on my 37 weeks and 3 days na. sana lumabas na rin si baby, nakaka excite na 🥰

5y ago

Thank You sis ♥️ Lapit kana po, anytime pwede na lumabas ang baby mo. 👶🏻😊 Godbless sis ♥️🙏

wow..magka birthday cla nung panganay ko.. april 07,2015..via Cs congrats momshie... 27weeks and 6days ko ngaun dto sa second nmin...

Magbasa pa
5y ago

Wow momshie sana ako din after 5 years baby girl naman. Godbless po 🤗🙏

congrats mommy... ako waiting narin this coming april 27 antay ko.... Pray ako always na safe ang panganganak ko..

5y ago

nagpapraktis na po ako mag eri.. hehehe. salamat

VIP Member

Congrats po. Ako rin waiting na. Sa 19 po EDD ko eh. Hahaha! Natatakot po ako na naeexcite. 😂

5y ago

Thank you sis 🤗 Lapit kana po 😊 Kayang kaya mo yan, galingan niyo po sa pag ire. Praying for your easy labor and safe delivery po 🙏♥️

Congrats mamsh ako din april 16 edd ko sana mapaaga hehe. God bless sainyo ni baby ingat palagi

5y ago

Thanks po

grabe kinkbahan po ako sa paglabor dahil sa story mo first mum here , by the way congrats po

5y ago

Kaya niyo din po yan mommy. Kala ko nga di ko kaya nun, pero tignan niyo po nakaraos na ako. ♥️ Pray lang po tayo mommy. Godbless po 🙏♥️

Congrats po💕 hay ako din lapit na duedate sa 22 na. Sana makaraos na🙏🙏❤️

5y ago

Thankyou mumsh 😘💕 medyo worried kase may single cord coil ang baby. Hopefully mainormal ko siya. 🙏🙏

Congrats po Sana ako Rin makaraos na din team April hereeee💞💞💞

5y ago

Thank you momshiee💞💞💞😇😇😇