39 weeks and 6 days

Hello po mga sis. Nagising ako 5am para maglakad lakad. Siguro mga nasa 30 mins lang ako nakapag lakad lakad pagkatapos squat lang ako ng squat. 6:30 natulog na ako medyo sumasakit sakit na balakang ko at puson yung parang rereglahin inorasan ko 5mins interval sya. Pero tolerable naman yung pain. Kada sasakit babangon ako para mag squat. Hanggang sa nakatulog ako. Nagising ako kanina mga 10 sumasakit nanaman balakang at puson sabay bangon squat squat lakad lakad na parang nagchacha cha 😅 dun lang kasi ako loob ng kwarto. Pagkasilip ko sa panty ko may onti dugo sya at as in patak ng buong dugo. Nagpalit agad ako ng panty kasi dark blue yung panty ko para sana kitang kita ko kung ano kulay lumalabas sakin. Sa isang panty color brown na sya yung parang kulay kapag rereglahin ka na, pero onti lang. Tapos palit ulit ako panty at squat squat. Pagkatapos bigla nalang may natulo sakin na tubig medyo madami din parang ihi. Naligo na agad ako nun pagkatapos bili ako pineapple juice at lakad lakad di naman kasi masyadong nasakit. Punta na ba ako lying in mga momsh?? #1stimemom #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes mommy baka nglalabor na kayo... have a safe delivery po 🥰