swab test
Required na po ba magpa-swab test pag manganganak ngayon? If yes, how much po?
Yes po nirerequired na before manganak, ako sa lying in nanganak this august 19, nagpa swabtest ako August 14. Dito sa caloocan Libre lang binigyan ako ng form na fillupan at dadalhin sa cityhall(venue ng swab test), also sa Tala Hospital libre din basta may philhealth magpapa appointment ka lang 1-2weeks respond nila.
Magbasa paYes, cs or normal required na po ang swab. Dito samin kailangan kami ni hubby ang magpa swab. Sa mga labas 5k po, sa red cross naman yung saliva test 2k. Pero ask nyo muna yung hospital kung tatanggap sila ng galing sa red cross na saliva test kasi may iba po ata na hindi tumatanggap ng ganun.
Yes required, as per my OB (lying in) kasi kapag daw naemergency ka at need ka dalhin sa hospital at wala kang swab test isasama ka daw sa covid area (nakakatakot) advisable to take it 37 to 38 weeks btw binayaran ko sa swab is 1,500 nagcoconduct yung Lying in na pinagchecheckapan ko.
mommy ask ko lng eto po ba yung kay bautista??? sa harrison??
Yes, required. Pinakamahal na nakita ko dito samin 6.5k, 12hrs para makuha results. Meron mas mura pero 2-3 days pa results. Try contacting your LGU, sabi ng OB ko may mga barangay na nag ooffer ng free swab tests kasama buntis kasi required talaga pag manganganak.
it depends kung san ka manganganak. may mga hospital na nasa 7-8k. merong around 4k. better ask your OB na din po if sa hospital na pagaanakan mo is need ng swab test and magkano aabutin.
Yea its required and meron naman mga libre. Tanong ka sa barangay niyo kasi magbibigay sila ng referral kung saan yung libre. uunahin ka dun kasi preggy ka. pati bantay dapat may swab test
Depende po mami kung san ka manganganak, meron po kasing nag rerequire meron naman pong hindi. Nasa around 5k pataas po yung swab test may bawas po ata yun if may philhealth ka
kung san ka po manganganak sila po magrerequest kung san ka po papaswab test. sa hospital na pinagpapacheckupan ko dun din ako pinagswab test tapos libre lang kapag may philhealth ka
yes required. para alam saang ward ka ilalagay, safety rin kasi ng mga staff at kasabay na pasyente yun. as for the price, dipende raw sa brand yun or kung san ka manganganak.
Yes kailangan na nag swabtest ang mga malapit nag nanganak. Nag lalaro sa 1500php ang swabtest may mga Libre sa barangay or heathcenter sa inyo lugar depende nang po un. Hehe
Mommy Of a Two Lovely Girls