Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?

Reply with emojis!

Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?
1984 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Disclaimer. Long post. ๐Ÿ˜‚ WeChat. I used to stalk my manliligaw na kabatch ko para maverify kung legit na di manloloko kasi nagtataka ko sa lahat ng nanliligaw sya yung parang kabute lang susulpot na lang pag bet nya. So ayun nga. NagDL ako ng app ginagamit nya, nakita ko kasi sa fb haha. Tapos wala naman ako napala. Di lang talaga sya maeffort. Tapos since naenjoy ko naman yung WeChat di ko muna binura nakipagchat lang ako sa mga nearby people genern. Then may nagmessage na sobrang funny tas malapit lang din naman samin parang isang town lang pagitan. Friendly chat. Then after a week nung kasama ko yung friend ko and nasa same area din pala sya we decided to meet. Pero di ko pa sya type non. Hopia pa din ako sa naliligaw sakin haha kaya lang wala eh di talaga maeffort eh. So ayun. Fast forward inaya ako makipagdate ni WeChat guy. Pumayag ako kasi libre yun eh, charot! Okay naman sya kabonding and nakakatuwa kasi lagi syang nanjan for me kahit alam nya iba yung gusto ko. Sa kanya ko kinukwento yung tungkol sa guy na nanliligaw sakin. Isa pa pag guy kasi yung friend mo alam mo hindi madaldal so yun na nga. Since lagi syang nanjan di ko namamalayan nafa-fall na pala ang ate nyo kay WeChat dude. And naisip ko lang na baka yun na yung sign ni Lord sakin. Kasi sabi nung favorite kung pari if hindi ka masaya sa outcome nung gusto mong mangyari, hindi yun ang sign ni Lord. Eh parang ako lang naman yung apektado sa panliligaw nung batchmate ko sakin. So tinigilan ko na. Di narin ako nagparamdam sa kanya. Tapos nung nalaman nya na bf ko na si WeChat guy saka sya nagparamdam. Ibreak ko na lang daw and babawi sya sakin which is too childish for me kaya lalo ako nawalan ng gana sa kanya. Iba pa rin talaga yung bunga ng panalangin. Yung ugali kasi ng asawa ko, yun halos hiniling ko kay Lord, nasa kanya. Walang bisyo, family-oriented and god-fearing. So di siguro talaga aksidente pagkakakilala namin. โ™ฅ๏ธ

Magbasa pa