โœ•

for Mums with post partum DEPRESSION

Recently ang dami ko po nababasa about their experiences in Post partum depression. So I'm sharing my experience. ๐Ÿ™‚ basically hindi ko matawag na "Post Partum Depression" kasi hindi pa naman ako nanganganak. But I experienced Depression in 2018, I am Psych grad pero hindi ko agad napansin ang nangyayari sakin. Ayoko na bumangon sa higaan, wala kong gana kumain. Feeling ko walang patutunguhan yung buhay ko ng time na yun. hanggang sa nagkasakit na ako kasi hindi nga ako kumakain ng maayos. Naisip ko rin yung time na yun na sana mabuntis na lang ako para may iba naman akong gawin. (which is mali ung thinking ko na yun, napaka immature.) Kung nangyare yun malamang Hindi ako magiging masaya sa journey ng pregnancy ko unlike ngayon and possible na mag trigger lang ulit sa depression ko. Ang hirap ko pakisamahan, pati ang hubby ko nahihirapan na sya kasi hindi nya alam gagawin. So ayun na nga nagkasakit ako. Dun ko na realize na Depression na pala ang nangyayari saken, naapektuhan na nito ang health ko physically at naisip ko na walang ibang makakatulong saken kundi ako lang din. Year 2019 nakakabawi na ko (Genuinely Happy) Naka survive ako sa Depression (Gusto ko na mabuhay). ๐Ÿ˜Š Ginagawa ko na yung mga bagay na makakapag pasaya saken, nag explore din ako ng iba't ibang bagay, nag aaral ako ng kung ano ano. I read books, yung mga nakakalakas ng loob. ๐Ÿ˜Š I followed social influencers na nakaka pag motivate sakin. I unfollowed/ unfriend na hindi makakatulong sakin kahit pa kapatid ko. Sa mga mummy na nakakaranas ngayon ng depression, "Focus on the step in front of you, not the whole staircase." Take one day at a time. wag mag madali, makakausad ka rin. Kahit gaano ka kabagal importante you have courage to continue your journey. Masarap mabuhay kasama ang pamilya, Lumaban hindi lang dahil may anak ka na, Lumaban hindi lang para sa ibang tao na nakapaligid sayo, Lumaban ka para sa sarili mo. โค๏ธ Mommy ka na, but it doesn't make you less. :) Hoping na makatulong itong post ko sa mga nakakaranas ng depression. Stay safe and Fight lang moms!

2 Replies

VIP Member

thank you mamsh for your wonderful thoughts. it really inspires me โค๏ธ

๐Ÿ’ž

VIP Member

Really inspiring mommy. Laban lang araw araw ๐Ÿ˜Š

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles