Gift of God πŸ₯ΊπŸ™

Raphaela - God Heals Louise - Warrior My Raphaela Louise πŸ’— EDD : Oct 9, 2021 DOB : Oct 4, 2021 3100 Grams Via Normal Delivery 😊 Hanggang ngayon Baby , Hindi ako makapaniwala na andyan kana . Sobrang saya namin ng dumating ka . Mahal na Mahal ko kayo ng kuya mo anak 😘 Parang kelan lang . 4 na buwan kona nalaman na buntis ako syo . Pero puro problema na agad . Lagi akong nag Bi Bleeding . Kada ultrasound , trans v . okay naman . mataas inunan at healthy ka . Pero di malaman bakit ako nag bi bleeding mnsan patak patak , mnsan buo buong dugo πŸ₯Ί mnsan para nkong may mens sa lakas eh . pa palit palit tayo ng resetang pampakapit . at talagang Bedrest lang ako . nung 26 weeks iihi lang ako pero sobrang akit ng puson ko , pag kita ko ang dami ng dugo kaya punta ng ospital , pag IE open cervix daw . iyak ako ng iyak natatakot ako bka mapano ka anak . Niresetahan ako ibang pampakapit . napaka gastos linggo linggo din ang checkup , Pero sbe ko kahit maubos kahit wala ng matira sten bsta okay ka anak . 28 weeks nag saksak tayo ng 2 dose ng steroids pang matured ng Lungs kung sakali daw maaga kitang ilabas , knausap ako ng OB . sbe mag Handa daw ako ng 90k ksi pag dpa nwala Bleeding 34 weeks mag emergency cs na . Dpa daw ksama Incubator . kaya umuwi ako sa Bulacan , Don sana ako sa Ospital kung san ako nanganak sa panganay ko ksi kompleto don , kaso Dina pala sla natanggap ng pasyente don puro may covid nalang , kya nag hnap ako ng Clinic . sakto meron dto malapit smin . OB talaga sya . Pinalitan nya ako ulit ng Bagong pampakapit , inalagaan nya din ako Every 2 weeks Checkup , Hanggang sa nwala yung Bleeding saktong 36 weeks pinatigil din yung Gamot na pampakapit . Kaso HB ako , Knakabahan ako ksi Posible na sa Ospital talaga ako manganak , 170/120 Posible din na ma CS . Pero sabe ko Bahala na . Bsta mairaos ko lang si Baby ng maayos . Alam ko nman di kmi pababayaan ni Lord eh . 3 Vitamins , 3xaday na pampakapit , twice a day na gamot sa HB . Kulang 400 araw araw sa gamot , Pero Keri lang bsta maging maayos lang pag bubuntis ko syo . Grabe anak πŸ₯Ί salamat sa pag laban mo kasama ko . salamat ksi kumapit ka dimo ako binitawan sa panahong dko na dn alam gagawin ko , sa panahong muntik na akong sumuko . andyan ka sisipa sipa gagalaw galaw . alam kong sinasabe mo Lalaban tayo . Kaya salamat anak πŸ’— Higit sa Lahat sa panginoon na hndi tayo pinabayaan πŸ’—πŸ™ napaka buti nyo panginoon 😭

Gift of God πŸ₯ΊπŸ™
83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naiyak ako. Buti po okay kayo ni baby 😭 Dec 9 due date ko sana makaraos na din.

3y ago

Opo , Buti po okay kami lalo si Baby , Tagal ko din po kasi pinangarap mag ka baby ulit . Sabe kasi sakin date ng OB ko baka mhrapan nko mag ka anak ulit , o baka dina ako magka anak ulit kasi po Irregular mens ko . 3 months hndi ako nag kakaroon . pag nagkaroon 1 month bago mawala tapos patak patak lang . may Hormonal Imbalance pa ako , at dami ko problema . mataas Blood sugar , Cholesterol , Highblood , Abnormal na pag tibok ng puso ( Sinus Arrythmia ) Dami ko problema . Kaya nung nlaman kong Buntis ako iyak talaga ako sobrang saya ko . lalo nalaman kong Babae kasi lalaki panganay ko at malaki na . Kaya nung nag bi bleeding ako palagi stress ako sobra . takot na takot ako araw araw . lalo at may mga time na hindi sya malikot sa loob ng tiyan . sobrang nag papanic na ako . kaya Linggo Linggo talaga checkup ko . kayo Po ingat kayo palagi , Godbless you and your pregnancy ! πŸ™πŸ’–