exclusive breastfeeding

Rant po ito. Wala kasi ako masabihan. Kahit si huaband di ko masabihan e. Sobrang nadodown ako, nagagalit ako ng sobra sa sarili ko. Pumunta kami ng lying in kanina. Nanganak kasi last dec 1 and balik namin kanina for verification ng birt cert ni baby ko. Ang plano is isama nalang si baby at si mama para di na problemahin yung dede kaso sabi ni mama iwan nalang daw sila. Magpump nalang ako ng milk ko. She even borrowed a pump sa kapitbahay namin. Di rin kasi makita yung pump namin. So i cleaned it pati mga feeding bottles. Even though ayaw ko kasi mas prefer kong isama si lo parang ayaw ko kasi mawala sa tabi niya kaso naisip ko rin kasi yung byahe niya syempre polusyon. So i fixed everything. Siguro naka 4oz lang ako na milk di rin kasi nalabas yung milk e. Sabi okay na. Umalis na kami. I trusted her coz shes mama kumapit ako sa tiwala na okay na yun usually din kasi tulog sya buong maghapon.. Mga1 kami umalis. Di namin ineexpect na may pila so we waited, we also went to sm bumili pa kami ng feeding bottle niya. Kaso nung pagkauwi ko. Di ko alam kung anong mararamdaman ko nung malaman ko na yung dinede na pala ng anak ko is formula milk na nahingi ni mama sa kapitbahay. Sobrang nagalit ako. Syempre di ko kayang sigawan si mama , so what i did is i carried my baby brought him in our room at dun umiyak while breastfeeding him. Sobrang nanggagalaiti ako sa sarili ko. Iniisip ko na sana dinala ko nalang. Na sana dinamihan ko pump ng gatas. Sobrang sisi ko sa sarili ko ngayon. 4 na rin kami nakauwi kanina. So i know natagalan kami so kasalanan ko din talaga. Gusto ko magalit kay mama pero wala akong karapatan. She just did what she thinks na okay kasi umiyak si baby. Pero... Gusto ko talaga na exclusive breastfeeding siya as in. Kahit nagsusugat yung dede ko kahit masakit tinitiis ko kasi sabi ko gusto ko healthy sya. Kaso dahil sa kapabayaan ko nakadede siya ng formula milk. Gusto ko sabihin kay mama na pwede naman niya muna ako itext tanungin kung san na kami sabihan na ubos na yung gatas iniwan ko na nga yung phone ko para magamit nila. May load naman ako i even texted them kinamusta ko sila but what reply that i received is "hahahah". I have money. I can buy formula milk kung gugustuhin ko. But i choose not to coz gusto ko nga breastmilk ko lang. Kaso wala na. Now im scared im crying by. Myself. Staring at my baby saying sorry kasi di ako naging mabuting ina sa kanya umpisa palang. Ni hindi ko alam kung anong tubig pinagtimplahan nila. Mineral naman tubig namin pero no. Ayaw ko, kahit nga nagbubuntis palang ako bumibili ako ng sariling tubig ko. Tapos ngayong eto nangyari. .. Tapos i feel like im all alone to this. May check up kami bukas pero wala ng maisuot yung anak ko na maayos na damit kasi kakalaba lang ni hubby and actually nakasampay pa rin sa labas mga damit ni lo. I believed on their superstitions, pinaniwalaan ko yung mga sabi nilang paniwalaan ko. Pero bakit pag ako nagexplain di nila pinaniniwlaan. I usualy do research para sa mga ginagawa ko and explained things to them pero ang natatanggap ko lang na reply is "nagmamagaling ka na naman". Why? We are not the same. Kayo na nagsabi naging normal pagbubuntis niyo ako. Ilang turok, ilang gamot ang pinagdaanan ko mairaos lang si baby. Ewan. I feel so alone. Kumakapit ako ngayon sa phone kasi i feel so depress right now. But seeing my baby gives me hope. I dont want end everything cause i want to take care of him til he's fine til he grow up.. Pero bakit ganun. Madami naman kami sa bahay. Andito rin tatay niya but why do i feel alone. Bakit parang ako lang? -RJAC

1 Replies

Super Mum

Siguro better to lay with them kung anong parenting plans/objectives mo with your child. Sabi nga nila, your child your rule.though kadalasan mahirap talaga makipagtalo sa matatanda 😂 dahil sobramg iba ang panahon noon at ngayon, before di naman naresearch ang mga bagay bagay pero now may mga facts based findings that concerns parenting na. It could also be the hormones acting up kaya you feel alone. Try to talk it out with your husband. God bless.

Trending na Tanong