Ramdam ko kasi na unti unti ng nasisira talaga ung relasyon namin ng boyfriend ko. For the past few weeks halos di na kami naguusap, parang wala na siyang gana makipagusap sakin kahit kumustahin nalang sana niya anak niya. (Di kami live in)
Pag nagagalit kasi ako napaparami ako ng sabi, pero sa chat lang kasi alam ko na hindi ko kaya magsalita sa personal. Nagagalit ako sa mga pinaggagawa niya katulad ng di pag tupad ng usapan na magkikita kami para sa sustento ng anak namin, pero madalas napaparami ung sinabi ko pag binabalewala niya lang ung mga messages ko sa kanya.
Hindi ako mahilig sa atensyon pero sa simula ng relasyon namin lahat ng atensyon niya na saakin kaya nakasanayan ko na, gets ko naman na naging busy siya simula nung nagkatrabaho siya pero ngayon parang naglilimos nalang ako ng atensyon niya.
Biglang di niya ako pinansin kahapon at dahil dun andami kong nasabi katulad ng kung ayaw na ba niya saamin at sa dulo'y nasabi ko na pagod na puso ko sa kanya. Awang awa narin kasi ako sa sarili ko.
Tapos nagchat siya ng umaga na di niya daw sinasadya na di ako pansinin kasi nagloloko messenger niya, hindi ko pinansin kasi di ako nagbukas ng messenger dahil ayokong makita na di niya na naman ako pinansin, gabi ko nalang nalaman na nagchat siya kaya nagsimula na naman ako magsalita pinoint out ko ung butas sa explanation niya pero di niya na naman ako pinapansin kahit na online siya kaya nagalit na naman ako at umiral ugali ko.
Pahingi naman po ng advice, may part sakin na nagsasabi na kasalanan niya kasi kung makaasta siya parang wala siyang pamilya na kailangan niyang bigyan ng atensyon, pero may part sakin na nagsasabi na dahil sa ugali ko kaya siya ganyan. Sino po ba mali?
UPDATE:
Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng sari-sarili nilang opinyon. Pero last year pa po ito. Haha!
Gusto ko lang po sana idefend ung sarili ko, ngayo'y malinaw na sakin lahat. Napansin ko po kasi na majority po sa inyo ay nasa akin ung mali, pero mabait po akong partner sobrang bait na kahit mali ng boyfriend ko ay idedeny ko kahit sa sarili ko sa sobrang pagiintindi. Pero nagbago lang po yun gawa ng postpartum depression at pagpabaya niya saamin.
News flash! Niloloko na pala ako nung gago kaya ganun nalang niya kami tratuhin. Wala po sakin ang mali, ayun po ang narealize ko. Kaya po ganun reaksyon ko everytime na maguusap kami, ay sobrang lakas po ng kutob ko na niloloko niya ako pero dahil nga gusto ko siya intindihin ay dineny ko un, kahit dito sa post ko di ko minention. Haha! Pero okay na po ngayon. Tinigilan ko na siya dahil gusto kong ilaan lahat ng oras ko sa anak ko nalang kaya siya na po mismo ang naghabol samin mas lalo na po nung nalaman ko na niloloko niya kami.
Maraming salamat.
Anonymous