Ako ba ang mali? Naguguluhan na ako.

Ramdam ko kasi na unti unti ng nasisira talaga ung relasyon namin ng boyfriend ko. For the past few weeks halos di na kami naguusap, parang wala na siyang gana makipagusap sakin kahit kumustahin nalang sana niya anak niya. (Di kami live in) Pag nagagalit kasi ako napaparami ako ng sabi, pero sa chat lang kasi alam ko na hindi ko kaya magsalita sa personal. Nagagalit ako sa mga pinaggagawa niya katulad ng di pag tupad ng usapan na magkikita kami para sa sustento ng anak namin, pero madalas napaparami ung sinabi ko pag binabalewala niya lang ung mga messages ko sa kanya. Hindi ako mahilig sa atensyon pero sa simula ng relasyon namin lahat ng atensyon niya na saakin kaya nakasanayan ko na, gets ko naman na naging busy siya simula nung nagkatrabaho siya pero ngayon parang naglilimos nalang ako ng atensyon niya. Biglang di niya ako pinansin kahapon at dahil dun andami kong nasabi katulad ng kung ayaw na ba niya saamin at sa dulo'y nasabi ko na pagod na puso ko sa kanya. Awang awa narin kasi ako sa sarili ko. Tapos nagchat siya ng umaga na di niya daw sinasadya na di ako pansinin kasi nagloloko messenger niya, hindi ko pinansin kasi di ako nagbukas ng messenger dahil ayokong makita na di niya na naman ako pinansin, gabi ko nalang nalaman na nagchat siya kaya nagsimula na naman ako magsalita pinoint out ko ung butas sa explanation niya pero di niya na naman ako pinapansin kahit na online siya kaya nagalit na naman ako at umiral ugali ko. Pahingi naman po ng advice, may part sakin na nagsasabi na kasalanan niya kasi kung makaasta siya parang wala siyang pamilya na kailangan niyang bigyan ng atensyon, pero may part sakin na nagsasabi na dahil sa ugali ko kaya siya ganyan. Sino po ba mali? UPDATE: Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng sari-sarili nilang opinyon. Pero last year pa po ito. Haha! Gusto ko lang po sana idefend ung sarili ko, ngayo'y malinaw na sakin lahat. Napansin ko po kasi na majority po sa inyo ay nasa akin ung mali, pero mabait po akong partner sobrang bait na kahit mali ng boyfriend ko ay idedeny ko kahit sa sarili ko sa sobrang pagiintindi. Pero nagbago lang po yun gawa ng postpartum depression at pagpabaya niya saamin. News flash! Niloloko na pala ako nung gago kaya ganun nalang niya kami tratuhin. Wala po sakin ang mali, ayun po ang narealize ko. Kaya po ganun reaksyon ko everytime na maguusap kami, ay sobrang lakas po ng kutob ko na niloloko niya ako pero dahil nga gusto ko siya intindihin ay dineny ko un, kahit dito sa post ko di ko minention. Haha! Pero okay na po ngayon. Tinigilan ko na siya dahil gusto kong ilaan lahat ng oras ko sa anak ko nalang kaya siya na po mismo ang naghabol samin mas lalo na po nung nalaman ko na niloloko niya kami. Maraming salamat.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May friend ako na ganyan. Asawa nya naman c guy. Ofw c guy. C friend tuwing nag mmsg sa knya wala siya sinabi at ginawa kundi sumbatan na maliit lang ang sustento ni guy. Na siyang babae ang bumubuhay sa pamilya nila. Basta feeling ni guy minamaliit siya ni wife. So ginawa ni guy.. nakahanap siya sa abroad ng babae na mkakaintindi sa knya. So ending iniwan nya c friend. Moral story, wag nyo masyado yurakan pagkatao ng other half ninyo. Kasi lalaki pa din yan. Once mabasag mo ego nya... mawawalan na siya ng gana. As u said nga. Feeling mo unti unti na kayo nasisira.. e dahil yun sa hurtful words na binabato mo sa knya. Pera lang ang sustento. Kaya nyo pag usapan ng maayos yan. Or ikaw mismo gumawa ka ng way para tumaas ang earnings ninyo 2. ❤

Magbasa pa
5y ago

Hello, last year pa po ito. Inedit ko na po para alam niyo kung ano po talagang nangyare. Thank you for you opinion though. 😊😊

Mamsh kaya yan ganyan kasi minsan na lang kayo mag usap ipapamukha mo pa yung mali niya. Try mo maging better partner na pag may time na siya sayo paramdam mo na mahal mo siya at si baby niyo para marealize niya na miss mo na siya at pagbutihin niya pa ang pag alaga at sustento sayo kasi maganda kang partner na makasama habang buhay. Kasi pag ganyan na panay point out ng mali mamaya siya din ang maumay. Mas matured yung partner ko sakin kaya nagagaya ako sakanya na wag ipoint ang lagi ang mali find something good sa effort nila kesa mang away ka. Promise mas sasaya relasyon niyo. Di maiiwasan ang pag aaway pero wag araw arawin. Yun lang.

Magbasa pa
5y ago

Maraming salamat sa advice pero matagala na po to. Mabait po akong partner pero naghinala po ako na may babae siya kaya nagiba ugali ko at totoo po ang kutob ko. Matagal na niya akong niloloko kaya ganun nangyare samin, kasabay ng post partum depression ko. Pero tapos na po 'to. Salamat parin.

wag kase pairalin agad ang init ng ulo at bugso ng damdamin sa galit kung gusto mo magkaayos kayo ng boyfriend mo maging mahinahon ka muna baka kase imbes na kamustahin mo muna sya kung ano lagay nya yung pagtatampo mo agad sa knya binubungad mo very wrong yun, alam mo bang mas malawak dapat ang pang unawa ng mga babae kesa sa mga lalaki.. kung gusto mong maintindihan ka nya intindihin mo din muna sya then next ipaintindi mo na yung side mo sa knya sa mahinahon na paraan ,yun lang 😊

Magbasa pa
5y ago

Hello, last year pa po ito. Inedit ko na po para alam niyo kung ano po talagang nangyare. Thank you for you opinion though..

ganyan din ako momsh sa bf ko. Pero napaka swerte ko lang sa kanya dahil kahit masakit ako magsalita hindi sya nagsasawa sa akin at sa ugali ko. Lawakan mo ang pang unawa mo momsh at isipin mo din ang lagay nya. Lambingin nyo ang isa't isa wag puro pride ang pairalin.

5y ago

Hello, last year pa po ito. Inedit ko na po para alam niyo kung ano po talagang nangyare. Thank you for you opinion though.. 😊

Mas better na magusap kayong dalawa in person lalo na't si baby ang nakasalalay sa relationship nyo both. Why don't u try na iconfront siya o surprise visit mo siya baka kase hindi mo po alam na may iba na siya no offense just sayin' ate😊.

TapFluencer

Ganyan din po ako dati before kami ikasal pero ngayon mas hinahabaan ko pasensya ko kasi alam ko nastress din sya. Kung galit ako di nalang ako nagsasalita para di lumala yung problema papakalma ko muna utak ko bago ko sya kausapin

5y ago

Hello, last year pa po ito. Inedit ko na po para alam niyo kung ano po talagang nangyare. Thank you for you opinion though.

Cguro kailangan pigilan mo sarili mo kaka rant sa kanya. Baka kaya hindi ka pinapansin. Try mo naman maglambing. Huwag puro negative. Kaya mo yang pigilan ang pagka paranoid mo. Tiwala lang

5y ago

Sobrang malambing po ako. Sadyang may iba po palang lumalambing sa kanya kaya di na kami pinapansin ng anak ko haha

Up