Mura
Question lng mga mommy Minura na ba Kayo ng husband or future husband niyo? For any reason. And what did you do about it? How you deal with it? Is it ok for you? Any advice para sa mga mom n minumura NG partner nila?
Hindi po. Para sa akin kahit sa ibang tao hindi maganda ang pagmumura dahil parang asal kalye siya. Minsan naririnig ko si hubby na nagsasabi ng "pucha" pag kausap mga friends niyang lalaki, pinagsasabihan ko siya kasi pet peeve ko talaga yang pagmumura.
Never pa nmn na serious mura yung lokohan lng na expression pg ng aasaran “parang gago ahhh” yung mga gnun lng pro kung yung inyo po away n may galit depende po sa issue nyo if ndla lng ng galit emosyon si hubby nyo at ngsorry nmn nsa s inyo po yun
Hi! Mumchi .for me hindi tama pag salitaan tayo ng mg asawa natin ng hindi maganda lalo na ung pagmumura. Dapat po hindi po natin tinotolerate ang mga ganon language.in my case never ako pinagsalitaan ng asawa ko ng hindi maganda. And im so blessed.
Yep, pero pinag usapan naman namin na wag sya magmumura, may mga ganon talagang ugali na nila magmura lalo pag nagagalit, ngayon naman di na sya gaano nagmumura siguro nahiya na saken kasi di ako nagmumura
Pag matinding away Oo di maiiwasan makabawas lang ng sama ng loob kesa mag pisikalan kami walang perpektong tao at wala din perpektong relasyon. pero kung mababaw na dahilan lang. hindi naman tama yun.
never pa naman po. since mag jowa palang kami never pakong nakarinig ng badwords muna sa kanya. ksi nung bago palang kami sinabi ko na agad sa knya ung mga ayaw at gusto ko, ganun din naman sya sakin.
Oo d maiiwasan yan! Pero minumora kudin xa... Ayaw ko patalo o api apihin lang. Lumalaban ako! Kaya tatahimik xa pag ako na magmumura kasi alam nya magiging mas matapang ako kisa sa kanya!
So far hindi pa naman. Hindi ko din naman siya minumura. Siguro kapag ginawa niya iyon it will take a really long time maka recover ako kasi hindi naman usual sa relationship iyong ganun.
Hnd nmn po. .nasabi nya lng is "wala kang kwenta". Mga two times na siguro😀. .pero after d nya daw alam na nasabi nya yun. Sa sobrang galit d na alam pngsasasabi. .
Hindi pa. Subukan niya. Sasabog nguso niya. Hahaha joke. Yung pagtaasan nga ako ng boses, sobrang pigil na pigil niya sarili niya. Murahin pa ko? Hindi niya kaya.