Ano'ng mas mahirap, mangutang o maningil ng utang?
1766 responses
Nakakahiya maningil ng utang 😅😂 Mnsan pag nag kasalubong nga kayo . Ikaw pa iiwas eh 😂 Galit pa pag siningil . sbhin magkno lng di ba makapag hintay 😅
Mahirap po mangutang..nakkahiya Lalo na sa panahon ngayon.kaya hanggat kaya mgtipid at nakkaraos sa pang araw-araw wag mangutang.Kasi mahirap magbayad.😊👍
Mangutang,, kasi yaan ang ayaw ako ang mangutang.. Hanggat maari iniiwasan ko yan,, kaya kung anung meron kailangan pagkasyahin, para maiwasan ang mangutang,,
mahirap talaga maningil ng utang,minsan ikaw nalang mag aadjust. pinahiram mo kasi nakisusap, ngayun hindi mo na makausap HAHAHA. BASED ON MY OWN EXPERINCE.
maningil ng utang , minsan kasi ikaw mahiya magsingil tapos minsan sila pa galit . imbes na sila ang mahiya kasi ikaw inutangan ikaw mahiya na nagpautang.
mas mahirap maningil lalo na pag introvert katulad ko huhu. hirap tumanggi pag inuutangan tas ako pa yung nahihiyang maningil pag di sila nagkusa magbayad
For me mangutang. Kc minsan sobrang nakakahiyang lumapit sa kaibigan or kamaganak. Feeling ko kc parang helpless ako. Minsan hindi ko un matanggap. 😔
Mas mahirap ang mangutang kesa ang maningil. Kc pagnangungutang ang isang tao kasama dun ang pagpakumbaba at paglunok ng pride,kasama rin ang kahihiyan.
Mahirap maningil ng utang mga momsh hahaha parang ako pa yung nahihiya sakanila tas magagalit pa sila eh sila yung nangutang haysss😔
sobrang hirap maningil ng utang, minsan tataguan kapa ng umutang sau, minsan magsasabi ng exact date pero pagdating ng date na yun, wala nganga!!