Voice your Opinion
Mangutang
Maningil ng Utang

1766 responses

402 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang madali lang naman talaga mangutang dahil kabikabila na ngayon ang pautangan dito sa pilipinas. Pero kasi hindi lahat qualified o afford na mangutang na may malaking tubo. So ang ending kay bess sila uutang, since maawain si bess papautangin nya si bess na naghihiram kaso kapag pagdating na ng singilan samot sari na ang dahilan. Hanggang sa inabot na to ng taon. Kere naman sana kung magsasabi ng wala pang anda maiintindihan naman ei. Pero yong magdadahilan ng kung ano ano. Aba teka bess. Teka lang. Hahahahah. Anayways share ko lang yan based on experience yan ei. Hahahaha

Magbasa pa
VIP Member

Mas mahirap maningil ng utang , kasi karamihan ng mga nangutang ang daming alliby kapag singilan na sila naman nagbibigay ng timeline nila para mabayaran nila hiniram nila. pero sila din ang di sumusunod nagtatago na at dami na rason hanggang abutin nalang ilang buwan or minsan years panga. kesa sa mangutang kasi ang pinoy kahit walang wala pa yan pero mas nakita o napansin nilang mas kailangan ng nangungutang yung pera ipapahiram pa nila yan. sad to say kaya din minsan naaabuso din kabaitan ng pinoy 😥

Magbasa pa
TapFluencer

mangutang po.. kasi hanggat maari kung ndi tlha kelangan o kya oa tiisin ndi ko po kaya mangutang.. kakainin mo tlga pride and hiya ko kpg nagagawa ko bagay na un. naranasan ko nun nag try aq mangutang sa pinsan ko pra sana pandagdag sa panganganak ko dhil pandemic naubos income nmin lalo na nastop sa work.. ang ending ndi rin po ako napautang dhil my mas my priority pa po pinsan ko. ang hrap ala ka choice kpg nagagawa ang bagay na un kesa gumawa ng masama.

Magbasa pa

mas mahirap maningil ng utang kasi ikaw pa yung mahihiya sa kanila. tapos yung nangutang parang sila pa yung malakas yung loob kaya minsan hinahayaan mo nalang eh kasi nakakahiya naman. nakakahiya na ikaw pa yung maniningil. yung kapag nangutang sila ang galing galing nila kulang nalang suyuin ka eh makautang eh pero pag singilan na wapa dadaan daanan ka nalang na akala mo walang nangyari. tsaka ikaw na may karapatan, sila pa yung galit nakakaloka

Magbasa pa
VIP Member

Madalas source of samaan ng loob yung pag singil ng utang. Bukod sa karapatan mo naman hingin ulit yung pera mo, nakakahiya dahil gipit naman yung tao na humiram ng pera. Pero on the other side ineexpect mo na magbabayad siya on time at kusa. Kaya ang advice sakin ng asawa ko, ang ipahiram kong pera ay yung amount na kaya kong iaccept na di na babalik saakin if ever.

Magbasa pa
VIP Member

maningil nang utang po ang mas mahirap kasi mas ako yung nahihiya lalo na pag lage pong next time na lang ang sagot😂 May nangungutang talaga na mga paasa kaya po natuto na akong humindi at panindigan na di talaga. Dati kasi lage nalang ako naaawa kasi alam ko pakiramdam ng walang wala pero yung iba po talaga abusado. Kya po ms mahirap talaga maningil hehe.

Magbasa pa

Mas mahirap ang maningil ng utang kc po nung panahon na pinautang mo cla ang bilis mo ibigay kc alam mong tunay na kailangan nla. Pro nung panahon n ikaw nman ang nangangailangan at wala sila maibigay at cla pa my ganang magalit kc wala cla pambayad. Sana inisip nla na mging responsable sa pgbabayad ng utang pra makakaulit pa cla. Tiwala ang pinakamahalaga.

Magbasa pa

Para po sakin ay mas mahirap ang MANGUTANG. Pakiramdam ko po kasi ay hindi lang pera ang inuutang mo doon sa tao kundi inuutang mo na din ang 'tiwala' na ipagkakaloob niya sa'yo. Regardless of mayaman or middle class ang uutangan mo ng pera, still, andun pa rin ang tiwala nila sa'yo. Maging responsable lang po sana tayo bilang isang nanghihiram. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

mangutang kasi mahiyain akong tao... so pag kailangan tlga manghiram parang nahihiya ako tapos syempre pag dinecline ka masakit lalo na kpag ung inutangan mo ay ung taong pinahiram mo nman dati pero syempre dapat intindihin nalang na may mga problema ang bawat isa baka siya rin ay mag pinagdadaanan ngayon kaya hindika niya mapahiram

Magbasa pa

Maningil ng utang. Lahat naman tayo nangangailangan talaga pero sana din sa oras na tayo naman ang mangailangan ng inutang nila eh kusang magbayad. Minsan kase ang dami ng reason kaya nadedelay. Iintindihin mo nalang pero nakakaubos na din ng pasensya. Nangailangan ka ng mabilis, sana mabalik din ng agad ang inutang.

Magbasa pa