Pasensya na po mommies. Alam ko may sarili rin kayong stress na kinakaharap. gusto ko lang mag rant.

Pwede po ba na generic lang yung mga vitamins na bibilhin ko para samin ni baby? Ayoko na kasi umasa sa tatay ng baby ko. Nagsusustento naman sya pero kahapon lang sinabihan nya kong mukhang pera at yun lang daw ang kailangan namin ng baby ko sa kanya. Alam kong galit lang sya kaya nya nasabi yun pero hindi ko na kaya yung mga panliliit na gnagawa nya sakin. 14 weeks pa lang ako at 14 weeks narin namin nararanasan ng anak ko yung kagaspangan ng ugali nya. Pag magkaayos naman kami okay naman sya. Malambing sya sakin lalo na sa bata. Ni di sya nahihirapang mag sorry sakin sa mga nasabi nya kasi pinapatawad ko naman sya agad pra iwas stress na rin.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una, wag kang mahihiya na manghingi sa tatay ng anak mo. Obligasyon niya yan. Kung gusto niya, siya ang bumili ng needs ni baby para di na dumadaan ang pera sayo. Sa checkups naman, mainam kung sumama siya at siya ang magbayad. Habang lumalaki ang bata sa tiyan mo, lumalaki din ang gastos mo. Lalo yan pag naipanganak mo na. Pangalawa, hindi maganda ang pagtrato niya sayo at sa bata. Choice mo kung magtitiis ka o hindi. Choice mo kung gusto mong masaksihan at maranasan ng anak mo ang ganyang pag-uugali ng tatay ng anak mo. Choice mo kung hahayaan mo ang patuloy na ganyang pagtrato sayo. Minsan, kailangan nating gamitin ang isip/utak hindi pwedeng puro emosyon. Nanay ka na, mas mabigat na ang responsibilidad mo sa buhay, wag mong hahayaang makita ng anak mo ang ganyang pagtrato sayo... kasi yan ang magiging basehan niya ng pagtrato sayo at sa kapwa niya. Yan ang magiging "normal" sa kanya. Pangatlo, Generic? Alam ko wala namang kaso dito, pero sa tingin ko mainam if kung ano ang nireseta ng doc yun ang inumin. Sabihin sa doctor na medyo kapos ka sa budget, humingi ng alternatibong brand. Wag magselfmedicate. Bumawi ka sa pagkain ng masustansya, lalo ang prutas, gulay at fresh milk.

Magbasa pa
6y ago

Gusto kong maging wais lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Pero sa ngayon papahinga muna ako sa pagpapakumbaba. Nasisisik na ng pride ung baby ko sa tyan kakalunok ko. 😅 sa ngayon ayoko muna syang kausapin o hanggat maaari umasa sa kanya. Masyado na nyang minamaliit yung pagkatao ko. Sasabihing kukunin nya yung bata pagkalabas kasi di ko naman daw kayang buhayin kesyo mahirap lang daw kami. Tatlong araw na kong iyak nang iyak dahil sa mga sinasabi nya. Nakita pa sa utz ko kahapon ung pag hihilab ng puson ko kaya nagkaka spotting ako. About sa check up naman, ako sumasagot nun gamit ung hmo ko sa company ko. Sa vitamins lalo na sa utz na kadalasan di covered ni hmo, hati kami lagi. Ngayon lang naman ako kinapos kasi isang buwan na kong LWOP sa work gawa ng ubos na SL ko. Kasi lagi akong dinudugo at bedrest SA STRESS KO SA KANYA.