✕

23 Replies

Una, wag kang mahihiya na manghingi sa tatay ng anak mo. Obligasyon niya yan. Kung gusto niya, siya ang bumili ng needs ni baby para di na dumadaan ang pera sayo. Sa checkups naman, mainam kung sumama siya at siya ang magbayad. Habang lumalaki ang bata sa tiyan mo, lumalaki din ang gastos mo. Lalo yan pag naipanganak mo na. Pangalawa, hindi maganda ang pagtrato niya sayo at sa bata. Choice mo kung magtitiis ka o hindi. Choice mo kung gusto mong masaksihan at maranasan ng anak mo ang ganyang pag-uugali ng tatay ng anak mo. Choice mo kung hahayaan mo ang patuloy na ganyang pagtrato sayo. Minsan, kailangan nating gamitin ang isip/utak hindi pwedeng puro emosyon. Nanay ka na, mas mabigat na ang responsibilidad mo sa buhay, wag mong hahayaang makita ng anak mo ang ganyang pagtrato sayo... kasi yan ang magiging basehan niya ng pagtrato sayo at sa kapwa niya. Yan ang magiging "normal" sa kanya. Pangatlo, Generic? Alam ko wala namang kaso dito, pero sa tingin ko mainam if kung ano ang nireseta ng doc yun ang inumin. Sabihin sa doctor na medyo kapos ka sa budget, humingi ng alternatibong brand. Wag magselfmedicate. Bumawi ka sa pagkain ng masustansya, lalo ang prutas, gulay at fresh milk.

Gusto kong maging wais lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Pero sa ngayon papahinga muna ako sa pagpapakumbaba. Nasisisik na ng pride ung baby ko sa tyan kakalunok ko. 😅 sa ngayon ayoko muna syang kausapin o hanggat maaari umasa sa kanya. Masyado na nyang minamaliit yung pagkatao ko. Sasabihing kukunin nya yung bata pagkalabas kasi di ko naman daw kayang buhayin kesyo mahirap lang daw kami. Tatlong araw na kong iyak nang iyak dahil sa mga sinasabi nya. Nakita pa sa utz ko kahapon ung pag hihilab ng puson ko kaya nagkaka spotting ako. About sa check up naman, ako sumasagot nun gamit ung hmo ko sa company ko. Sa vitamins lalo na sa utz na kadalasan di covered ni hmo, hati kami lagi. Ngayon lang naman ako kinapos kasi isang buwan na kong LWOP sa work gawa ng ubos na SL ko. Kasi lagi akong dinudugo at bedrest SA STRESS KO SA KANYA.

Mamsh wag ka mgalala ok lng generic pra ky baby. Pareho lng ng content ng gamot sa branded yan. Mhal lng naman ang branded dhil sa mga advertisement at filter ng gmot. Mppnsin mo ung sa lasa plng. Msarap ang branded pero sng generic di gnun ksarap ang lasa. Mnsan mpait. Kya no worries 😊 i swear. Ngwork aq sa pharmacy. Kya dun tyo sa generic. Di ntn kelangan msilaw sa mga ptalastas. Dun tyo sa mkkatipid tyo pero mkukuha prin ni baby mgng malusog.

I prefer branded, kahit same lang naman sila ng generic. Ewan ko ba, siguro kase dati nung bata ako ang tatay ko kasama sa mga volunteer na namimigay ng generic na gamot sa mga bata at matatanda tapos tinanong ko bat kami wala sa bahay sabi ng tatay ko may mga halo daw na arina un di daw purong gamot

Okie lang naman ang generic ang mahalaga meron kang iniinom para sa inyo ni baby.. Ako dati walang wala talaga kaya OK na ako sa mga binibigay sa center at generic na mga gamot. Ok naman mga anak ko malulusog. Bumawi nalang pag nakalabas na sila sa pagkain at vitamins.

bkt hnahayaan mu ginaganun ka ng tatay ng baby mu binuntis ka nya obligasyon nya sustentuhan panga2ilangn mu, lets practice self respect mums, according sa vitamins di q sure kung pwede generic might as well mgtanung ka dn sa ob mu kung pwede cya😊😊

yun lng, pagpray mu na lng na matauhan yang tatay ng baby mu,

sakin po generic lang din po, at sabi ng ob na ang check sakin okay lang din for as long as continues ko daw na naiinom ung mga reseta kisa nman daw mamahalin pero paputol putol ang inom kasi kulang sa budget .

VIP Member

Eh ano pa silbi nya kung di sya magbibigay ng sustento? Napaka engot naman ng yun lang kailangan nyong mag ina sakanya? 🤷 pwede naman generic sis. God bless and wag ka magpaka stress sa lalaki na yan 🤦

Generic and branded is the same mommy. Brand name lang binabayaran mo sa branded but same component. Ako po puro generic lang binili ko dati minsan yung libre pa sa center ang iniinom ko. Hehehehe.

Pwede naman sis.. meron naman sa center dn, wag ka pakastress sis.. hayaan mo yan tatau ng anak mo ipagpray mo nlng.. makakaraos ka dn po e obligasyon naman nya sustentuhan kayo

I can relate to you po 😔! Pray lang tayo and mas maige nang maging single parent kesa may kasama ka nga e wala namang mabuting dala sayo at s baby mo. GodBless po!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles