share lang sa 4 days na paglelabor q

preterm po baby q 35 weeks pero bago nun pinigilan pa ang panganganak q inadmit po aq sa hospital po tocolize kc 3 cm na po bukas ang matres q for the record 4 days po aq naglabor dahil naglelabor na po aq nung inadmit aq. tocolize is papasarahin ang cervix upang di ka manganak ng maaga..so sobrang dami ng linagay na pampakapit..meron aq iniinom meron linalagay sa loob ng pwerta meron pa po sa swero q..first day ok nagsara sya pero kinabukasan nag open ulit ng 3cm inobsevahan ulit aq then di parin nagsara nag 4 cm aq pinasukan parin aq nag pampasara..sabi pag nag 5 cm na q tatanggalin na lahat ng pampakapit pero tinakot aq ng midwife dun na 31 weeks lang daw ang baby q masyado maliit mamamatay lang daw..at kung dun aq sa kanila manganganak wala clang pananagutan samin at wala clang incubator dahil ang dahilan lang daw nila kaya nla aq inadmit kc papasarahin nga daw ang pwerta para di aq manganak so mula nag 5 cm aq hanggang 7 cm di aq pwede umire kc magpapalipat kmi ng hospital na my incubator 1 am 5cm aq walang gustong tumanggap samin kahit anong hospital lahat cnasabi walang incubator nagtiis aq hanggang 7cm na q ng 4am my hiningian na kmi tulong para lang tanggapin kmi ng hospital aun tinanggap kmi 5am di q parin pwede ilabas baby q dahil sa dami ng proseso kailangan gawin..and finally 5:41 nasa table na q at nailabas na ang baby q na maaus hindi kailangan ng incubator...grabe ung pinangdaanan q hirap sakit..pero nung cnabi ng pedia nakasama ng doctor na nagpaanak sakin ok baby q malakas di na kailangan incubator nawala lahat ng sakit at hirap na narmdaMan q...thanks god ok kami ng baby q...sorry sobra haba ng kwento q

55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Buti ok nmn kau momsh tnx god at ok rin baby.. dapat po kc c ob mo mismo tinawagan nui kc sya ang may alam nyan at sya ang maghahanap ng pedia pra kay baby at least kung anong mangyayari nandyan c pedia importante po tlga un na may contact kau ni ob in case of emrgency ktulad nyan pra hnd kau kwawa ni baby.kc pag hospital kau dretso at wla kau ob ipapasa lang kau ng ipapasa at wla cla paki gnun na ngaun ang mga hospital kya importante po na may ob kau lalo na preterm c baby..pro buti ok na kau mag ina..

Magbasa pa
5y ago

Anong klaseng ob yan wlng paki kundi pera lang ata yan.hay naku momsh buti nlng ok na rin kau at nkaraos na rin sa awa ni god.

thanks God ok lng kau ng baby mo.. same situation tau, i gave birth last July 12, 2019 at 35 weeks pero sabi nila 34 weeks lng c baby ko.. pinigilan pa nila na wag lumabas kaso di na tlga mapipigilan.. ngka jaundice sya ska mababa ang blood sugar level pero ngaun ok na sya, 1 week lang sya sa ospital.. kaya mabuhay lahat ng mga mommy na nglabas ng preterm baby..🙏🙏🙏

Magbasa pa
5y ago

buti po ok na baby nyo..congrats sis

Same situation mam only thing is im 31 weeks pa lang po. Tocolytic dn po. 4 doses of dexa at pampawala ng contraction. Good thing hindi na po tumuloy tuloy but im in complete bed rest right now for 2 weeks. Kailangan pa po mapalaki din ang baby. Congrats mam for having a safe delivery and healthy baby. Thank God for everything.

Magbasa pa

Eto ung mga kinakatakutan kong maranasan.. Im on my 35weeks na.. Khpon ninerbyos ako nun may lumabas skin konting dugo at malapot na white. So ngaun phinga muna ako mahirap na. Godbless u and ur baby.. Congrats!

Praised God that you and your baby is safe wag mo na isipin ang pinagdaanan mo move on na charged it to experience na lang momsh ang importante healthy si baby..congrats

Grabe yung experience mo mamsh nakakaiyak. For me, mas better talaga sa hosp na kmpleto gamit in case of emergency. Buti nalang strong LO mo. Congrats!!! 😊

5y ago

oo nga sis buti malakas tlga sya..1 month and 2 weeks n sya 4.4kg na sya nakakatuwa lang na lumaban din tlga sya..salamat sa dyos tlga

VIP Member

Parang naiiyak tuloy aq nang mbasa q to. At nakakainis mga ospital na prang walang pkialam. .. buti nmn po at ok na kayo. .

VIP Member

Thanks God. Mabait po talaga si God. Nakarelate po ako sayo sis. Lahat ng sakit at sakripisyo nawala nung makita na naten si baby.

5y ago

oo nga sis ngaun c baby 1 month and 2 weeks na..

Kinabahan ako habang nagbabasa. Naiimagine ko ang mga eksena. Praise God at okay kayo pareho ni baby. Congrats mamsh!

5y ago

Traumatic talaga yun at makikipag-away kahit sino dahil emergency yung situation at parang wala sila pakialam. Nasa ospital sila kaya dapat alam na agad nila needs ng manganganak. Kaloka yun! Pero buti talaga nakaraos na kayo ni baby. Pahinga ka madami mamsh para mabilis ka makarecover.

Binasa ko to lahat momsh kc high risk din po ako mag pre term labor. Congratulations po sainyo ni baby!!!!