postpartum depression
Is this postpartum depression???? Kase po pag iyak ng iyak si baby at hindi nagpapalapag at nagpapatulog sa madaling araw naaaburido po ako nagagalit ng sobra sa lahat kayw minsan sa partner ko nabubunton ung galit ko pero pag sakanya ko nabubuhos galit ko nagagalit din sya, worse nagwawala at nagsisira sya ng gamit tas kinukwestyon ugali ko na sobra daw ugali ko. Kaya ngayon po imbes na sakanya kay baby ko nabubunton galit ko 2mos palang baby ko pero kapag sinusumpong ako ng ganung feeling nasasaktan ko si baby. Naiiyak ako after. Always ako nagpepray na sana wala nang ganun kasi ako din lang nasasaktan pag nasasaktan ko baby ko.
actually totoo talaga na mahirap after manganak.. puyat at pagod nakakastress at madaling mawalan ng pasensya... yong baby ko hindi ko namam physically nasakatan siguro mga 2 months sya non. nayugyog ko lang ng malakas yong duyan kasi ayaw pa matulog napapagod na ako at antok n antok n ko... siguro mga twice ko nagawa yon pero yong next mga 8 months n sya.. sobrang antok n ko tapos 1 hr ko n pinapatulog ayaw parin..... minsan napapalo ko din pero hindi naman malakas pag iyak ng iyak.... pray lang talaga at self control.... kasi once masaktan mo n anak mo maguguilty k tlga and yong cause sa bata di mo na mababalik... kaya if may time n pwede magpahinga or matulog sinasabayan ko baby ko para relax din ako after matulog nakakatulong talaga yon lalo n puyat sa gabi..... ever since bata p ako mahilig ako sa baby since only child ako pero ayoko ng iyak ng bata masakit kasi sa tenga.... binago ni GOD yon sakin.... ngayon mas maunawain ako sa baby ko pag naiyak.... hindi nila masabi yong gusto nila sa pagiyak lang nila nailalabas yong emotions nila if may masama sa pakiramdam or discomfort or need nila yong attention at yakap natin kaya mahabang pasensya talaga lalo na pag makulit n ang bata.... kasi may effect din sa kanila pag pinapagalitan sila tapos nasasaktan p physically.... kahit sa pagsigaw lang may effect n yon sa bata.... simula din nag kasakit anak ko or masama pakiramdam... sabi ko sa sarili ko na ayoko ng maulit yong mga ginawa ko kahit mapagod ako kakakarga basta walang sakit anak ko. ngayon mas nagiging maunawain ako sa pangangailangan ng baby ko.... pray k lang if alam mo susuko k n.... tapos inhale exhale lang talaga... yakapin mo si baby lalo n pag naiyak.. .try ko be calm kasi nararamdaman ng baby pag galit k sa kanya.... first time moms feels like.... mixed emotions pag naguguilty ka...
Magbasa paMaybe. Ako non tawag ko Postpartum Imbyerna e. Dapat maging malawak pag iisip mo. Siguro dala na din ng puyat. Communication is the key diba. Sabihin mo sa kanyan, intindihin ka din kasi yung mga hormones mo.. may tinatawag kamo na post partum etc. Intindihin mo din sya. Kamo pag nakakasabi ka ng di maganda, di mi kami sinasadya. Sana unawain ka din. Maging understanding kayo sa isat isa. At wag mag sisira ng gamit, sayang naman. At lalong lalo na wag mo sasaktan ang baby mo kawawa naman. Walang kamuwang muwang. Pag napipikon kana. Mag pray ka ng 5 Our Father. Sabihin mo lahat ng gusto mo sbhin kay Lord. Kamo sna bigyan ka ng mahabang pasyensya..at wag na sana maging mainitin ang ulo mo. 🙏
Magbasa paHi sis. Sabi nila ganyan talaga after manganak. Maraming changes na nangyayari satin. Physically, emotionally, mentally. Pero wag mo naman po kay baby buntong yan. Naiintindihan kita kasi napapagdaanan ko rin. Minsan din maikli pasensya ko. Pero nakakakonsensya pag sa bata nabubuntong. Hangga't kaya control-in mo emotion mo wag mong hayaang emotion ang mag ko-control sayo. Mahirap talaga i-explain sa iba yung nararansanan natin lalo na kapag yang PPD talag nag hit satin. Di nila magets. Akala nila nag iinarte lang. Standing with you in prayer sis! :)
Magbasa paKaya mo yan momshi. Pray lang po. Karamihan po talaga nag dadaan sa ganyan. isipin mo na lang ngaun lang yan. Ako 1yr na si baby hanggang tingin na lang ako sa mga picture nya nung 2months pa lang sya. Nakakamiss pag maliit pa sila. Kaya sulitin mo na lang ang pag pupuyat at pag hehele kay baby. 😊
Na dede press ka po at stress pagod puyat usually mararamdmn mo yan lalo na if iyak in c baby ayaw ngpapalapag naranasan kona din po yan pero pinilit kopo libangan sarili nghanap NG makakausap ayaw ko po na NG iisa na at NG mumukmok
Ganyan din po ako sa first baby ko umabot din ako sa ganyang sitwasyon na nasasaktan kona anak ko kc feel ko walang gumagabay sakin,wala akong kausap,at laging wala yung partner ko.
Ganyan dn ako sa first baby ko sis. Learn to control nalan pra ky baby inhale exhale ka at magpray ka lagi ky god. Kaya mo yan sis! God bless😊
Momsh pray lang po wag puro nega manuod ka ng mga masasayang palabas wag mong hayaan na mapuno ka ng galit para kay baby mo yan. GodBless