normal lang ba magalit agad?

hello mommies normal lang ba na matrigger yung galit mo kapag nasasaktan si baby? like pag nauntog siya tapos iiyak, bigla ka nalang magagalit sa kanya. imbes na icomfort ko mas lalo akong nagagalit pero pag tapos ko pagalitan naguguilty ako kaya dun ko siya icocomfort at mag sosorry sa kanya. ayoko kasing nasasaktan baby ko though aminado naman ako na kapag sobrang stressed ko napapalo ko siya pero syempre hindi malakas. btw, my baby is 1 year and 5 months old na #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Lamo mommy ganyan din ako e😭 minsan napalo ko pa pero sa pwet lang.. Kasi di ba nabibigla tayo nasaktan sila tapos magagalit pa tayo😭 feeling ko kasi mas di mauulit yun ngyari pag nagagalit ako.. Pero siguro bawasan natin maging exagg mii at yakapin natin sila para macomfort. Maiisip nalang natin yan macomfort sila after natin mag hesterical eh

Magbasa pa

yung taong dapat prumoprotekta sayo, sya pa yung unang taong manankit sayo physically.. ano bang alam ng isang 1 taong bata? now ask yourself if its normal.. don't give them that kind of childhood memories naaksidente na nga pagagalitan mo pa worst is masaktan mo pa..