Losyang na..

Just posting this to vent out. I know maraming mommies here na mas may legit stress than me so I’m sorry but please bear with me. Hindi ko alam kung bakit ganito ako recently pero madalas akong malungkot pag nakikita ko sarili ko at katawan ko. Siguro dahil sobrang busy these past few wks si hubby sa work to the point na wala na syang time halos samin,sa akin😕. Madalas sumagi sa isip ko nitong mga nakaraan,bakit kung kelan may partner ako,saka naman ako nalosyang😭. I was a single mom for 6.5yrs. Nagstart akong mag work when my daughter turned 14 months. I’m earning really well,merong hobbies,always with friends. Part ng work ko ang pagtatravel locally. All is well Nung naging kami ni hubby,pinatigil na nya ako sa work at sya na lang nagsupport sa family at daughter ko. In other words,nastuck na lang ako sa apat na sulok ng condo which was okay for me. Until nabuntis ako with our son. Ang dami lalong changes. Lalo na sa sarili ko,sa katawan ko,sa itsura ko. Hindi naman ako mahilig talagang mag ayos pero mejo okay naman ako before and at least before,naaalagaan ko ang katawan ko. Ngayon grabe🤦🏼‍♀️ Stretchmarks,dry skin,baby pouch,eyebags,hairfall. Feeling ko mukha na lang akong yaya ng anak ko. Don’t get me wrong,sobrang walang problema kay hubby. I’m very well provided. He still cooks food for me in between his busy hours,he still hugs me and tells me I’m pretty. He still thanks me for being a good and strong mom for our son pero deep inside,I can’t shake that feeling of being disappointed with myself. While browsing my gallery,I noticed na I don’t even take pictures of myself anymore. Puro picture ng anak ko. Habang nawiwili akong mag alaga ng anak ko,habang lumalalim yung love ko sa kanila,nawawalan na din pala ako ng panahon na mahalin at alagaan sarili ko. I love my family,no questions about that. But I just miss my old self. I feel incomplete and lost right now. Just sad. Just sharing some photos of me for self appreciation. First photo was taken very recently while the last 3 were before I met my husband

Losyang na..
73 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Relate mamsh. Puros pictures nalang ng baby ko nasa fone ko. kaya nga gnagawa ko sa hubby ko kinakausap ko cya pag nakita nya ko pagka galing nya sa trabaho, sabihan nya ko lagi ng maganda, para naman mawala yung nararamdaman kong inggit sa iba. effective naman 😂😂

4y ago

Haha oo mamsh! hnd talaga maiwasan yung old days, Hehe Nakakasenti talaga lalo pag tulog na ang babies natin. Cheer up mamsh! gaganda din ulit tayo 🥰

hugs po. ang ganda nyo naman po para sa losyang pero randam ko po yan lalo na andami pagbabago sa katawan ko antaba taba ko na, na sobrang iba nong dalaga pa ako, hindi dn ako maayos pero hindi ganito nanay na nanay na kung tawagin nila. pero napakaganda nyo po.

try to put some liptint momsh kahit nasa house/condo ka lang. lakas maka boost ng confidence pag hindi putla putlaan ang peg ng lips natin. lol. ako whenever I feel losyang, konting suklay then naglalagay ako ng liptint. i have 2 months old baby and 10yo son.

TapFluencer

Mommy ang ganda ganda mo pa rinnnn! Okay lang na minsan mafeel nating mga nanay yan. Ngayon lang yan mommy. Pag lumaki na mga babies mo pwede ka na ulit balik sa dati. Nothing's more beautiful than a mom who is responsible to their family. 😊

VIP Member

You are pretty Mommy siguro part lng tlga ntin ang Insecurities minsan dahil sa pregnancy hormones and Post Partum nman.. Don't stress yourself happy lng lagi isipin ang kiddos and si Hubby nasa tabi ntin lagi🤗🤗🤗

For me nasayo pa rin yan. E di mag ayos ka. Ganun. Ako kasi marami na akong seremonya nung dalaga ako, mas dumami pagka panganak ko. Alagaan mo sarili mo. Un lang un. Hindi porkit nasa bahay ka lang hindi ka na mag aayos.

I feel you po sobra ..grabe minsan nga nahihiya na ako sa Asawa ko Kasi mukha na talaga akong losyang ..ang taba , daming stretch marks , laki at itim ng eye bags tapos minsan amoy pawis..miss ko na Yung dating ako 😢

hugs mamshhh...... need mo lng sis mg change environment o kya hinge k ng time sa husband mo punta k ng salon....dumatin din ako sa time n yan until ngsabi yun husband ko na deserve ko nmn daw ang " me time"

i feel you mamsh. sabi nila part of postpartum daw pag ganyan ang narardaman. in time, pag lumalaki na anak natin, babalik din tayo sa pagalalaga ng sarili natin. kasi meron na tayong time. 🙏❤️😍

VIP Member

Maganda ka pa rin mommy mula noon hanggang ngayon.💕 Pag lumaki laki si baby at hindi na gaanong alagain lalo ka pang gaganda niyan kasi mas magkakaroon ka na ng mas maraming Me Time.😊

4y ago

Thank you mommy🥺. I somehow feel guilty looking forward to that day😅. Hirap talagang maging nanay😕