Positive sa PT pero wala po makita sa Ultrasound na baby. 4weeks. naexperience nyu na po ba to?

Possible daw po na Ectopic pregnancy sabi ng OB. 😔 #firsttiimemom #firstbaby #adviceaccepted

Positive sa PT pero wala po makita sa Ultrasound na baby. 4weeks.
naexperience nyu na po ba to?
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

too early pa po para makita.paulit po kau ng trans v around 7-8 weeks sure na po yan na meron n.ung iba inaabot p ng 9weeks bago madetect.wag po kayo magworry sa sinavi ng ob mo.much better mgpalit po kayo ng ob kasi nkkastresa ung ganyan.dapat d nia agad sinasabi yung ganon lalo nat too early to tell..mattakot lng po kayo nyan e.pray lng po kayo lagi eat healthy foods hbng nghhnty n mgpkita si baby sa ultz..at inumin mga una reseta sau ng ob.

Magbasa pa

Hi Ma'am, possible too early pa. Pero kapag wala talagang makita up until 8 weeks onwards, possible false positive po ang PT mo. Nagka ganyan ako before. Until na declare na Failed pregnancy, tapos nung tumigil ako sa pag inom ng pampakapit dinatnan ako at sobrang sakit na para akong naglabor. May lumabas sa akin na parang durog na laman na may kasamang dugo. Considered miscarriage pa rin. Pero dun ko lang nalaman may PCOS pala ako.

Magbasa pa

Na experience ko din po yan Miii. Nagpa ultrasound po ako 4 weeks palang tyan ko tapos Wala pang Nakita. Sobrang aga pa po kasi kaya siguro ayaw pa magpakita ni baby pero after 1 month nagpa gawa ulit ako ng ultrasound sa ayaw ng diyos may Nakita na din🥰 Tiwala ka lang po Miii ❤️ inom ka ng vitamins na binigay sayo ng OB mo. Ako kasi continue lang yong pag inom ko ng Folic acid na binigay sakin ng OB ko.

Magbasa pa
VIP Member

Too early ang 4 wks para may makita mi. 4wks ko din walang nakita. 6 wks sac lang. 8wks with heart beat na. Naisip ko laaang... sana yung ibang mga OBs tigilan nila yung pagsabi ng "baka ectopic" on the early stage of pregnancy. Very common and normal kasi na wala naman talagang nakikita sa ganyan kaaga. Nag cacause pa ng panic and anxiety sa mommy kasi 😣

Magbasa pa
1y ago

totally agree with this. it adds stress satin. Overthink malala. 🥺

same sakin, pro di ako sinabihan na baka ectopic, kundi pinabalik ako after a week, kasi 5weeks daw ang nakikita sa ultrasound.. and yes bumalik ako meron ng sac. ang after 3 mons. pa ultrasound ulit, buo na sia at nagalaw na 😬🥰 tiwala lng mami.. kapag positive claim mo agad na meron na ❤️❤️❤️

Hi mommy, ngayong 2nd pregnancy ko same tayo nung una wala sac or kahit ano na nakita 3 to 4 weeks ako non. Pero sabi kumakapal na yung lining sa loob preparing to carry the baby ganon. Try mo bumalik or mag change ng OB after 2 weeks. Check nyo ulit via TVS. 🫶🏻 wag ka mag pakastress.

nung 1st ultrasound ko yung bahay bata palang ang meron pero wala pa si baby at ang heartbeat nya 6weeks yun niresetahan na ako ni Doc ng pampakapit then after 2 weeks pinabalik ako ng OB to repeat TVS then nakita na si baby pati ang heartbeat nya 🙂🙂 #33weeks&5dayspreggy

Try ka 2nd opinion , nag ectopic pregnancy din ako Pero ung una ko na tvs Wla tlga nakita nung 6weeks nako dun palang sinabe na ectopic direcho ako inoperahan that day, but in your case too early maybe a second look is better

VIP Member

same po nagpa check up nako nong mag postive ako sa PT pero walang makita na baby sa Tyan ko. Pero niresitahan nalang ako mi doc ng Folic acid at pampakapit ng baby. after 2weeks bumalik ako at ayun Nakikita na si baby.

4 week rin ako noon sinabi na walang makitang baby and maybe bugok na pagbubuntis pero look now 4 months na baby ko since pinanganak ko❤️ change ob if she's causing you a little stress.

1y ago

trut