Breastfeed and formula???

Hello ask lang ako advice, Exclusive breastfeed kasi si baby pero yung mama ko gusto i-alternate ng formula. 2 months pa lang ang baby ko and ang plan ko talaga i-breastfeed sya hanggang 1 yr old. Kaso nagtatalo kami ni mama, kasi mahirapan daw ako at di makagalaw. Ilang beses ko na inexplain na kaya naman padedehin si baby since nag iistock naman ako ng bag bag ng breast milk. Kaso di pa din siya nagpapatalo. Kesyo lolosyang daw ako, at ako daw mahirpan pag aalis alis daw ako mas kawawa daw ang baby ko. Lagi nya sinasabi na iniingatan nya ako at ang baby ko para di daw ako masyado malosyang since d naman daw masasabi na kung yung partner ko is yun na talaga. Ang partner ko naman is mas gusto breastfeed ang baby namin kaya di ko alam gagawin ko. Naguguluhan ako.#advicepls #pleasehelp #firstbaby #1stimemom #worryingmom #BreastfeedBaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kung ako po ang tatanungin niyo maganda po ebf, sa paggalaw naman po you mean ba pag gawa ng mga gawaing bahay? i think kaya naman po time management na lang. dedication po talaga ang pag papabreastfeed at hindi naman lahat ng nagpapasuso eh nalolosyang. regarding naman sa partner mo, sabihin mo sa mother mo malosyang man ako o hindi kung magloloko ang lalaki magloloko talaga yan. less gastos din kasi pag breastfeeding tapos less hassle kasi di mo na need magtimpla, at yon talaga ang best. sundin mo po ang instinct mo as a mother at yong partner mo.

Magbasa pa
3y ago

thank you mamsh, hirap kasi lagi na lang ganun scenario last time bumili sya formula di naman din naconsume kasi di dinede ni baby and mas pinili ko i breastfeed since malakas naman na gatas ko. ngayon bibili nanaman sya, nasasayangan ako sa pera sinabi ko naman imbis na gatas pwede naman diaper or kung ano man. gusto nya kasi itulad ang baby ko sa unang apo nya, na halos sya nag proprovide e ayaw naman po namin yun since di naman nya na responsibility yun.

Remember, ikaw po ang Nanay ng bata at hindi siya. Kung ano po sa tingin mo ang kaya mo ibigay kay baby, go for it. Sa inyo na po iikot ang desisyon para sa anak niyo. Hindi kay Lola o kanino man. Kung kaya mo naman po ibreastfeed, then continue. Sayang din ang nutrients na nakukuha niya sa gatas mo kaysa sa formula. Kayo na po ni hubby ang masusunod. Kung malosyang man, so what? At the end of the day, si baby pa rin mas mahalaga kaysa sa lahat.

Magbasa pa
3y ago

laki nga po natitipid namin atsaka alam ko naman pong kaya ko ibreastfeed si baby hanngang 1 yr old. hirap kasi parang nagtatampo na ewan ang mama ko, gusto nya kasi mag bigay kay baby. sabi ko pwede naman sa ibang bagay na lang. ako lang po kasi ang nag breastfeed sa family namin kaya siguro ganun mentality niya. ☹️