Pwede mag-rant? Porket ba mapayat si Baby, hindi na healthy o pinabayaan na?

Haynako naistress ako. Di ko naman pinapabayaan ang anak ko. Kung concern sila, mas lalo na ako di ba? Mas concern, worried at OA ako. Siyempre anak ko ito. Alam ko naman sa sarili ko/namin ni partner na hindi namin pinapabayaan si baby. Healthy baby naman ang LO ko kahit payat o maliit daw. Malakas naman sa milk si baby kaso pure breastfed kasi si baby kaya iniisip ko rin baka kaya di sya tabain. Pinapainom naman namin sya ng formula milk kaso kung hindi nya uubusin, di nya talaga iinumin at all. Saka mabigat naman si baby. Saglit na karga mo palang, mangangalay ka na. Kaya nga, di rin masyado nagpapaapekto si partner kasi mabigat naman si baby. Minsan sinasabihan nya na lang ako na hayaan na di kasi nila binubuhat pa kaya kala nila mapayat. Pero medyo naiirita at naiinis ako kasi paulit ulit nila sinasabi. Kahit nakikita naman nila na pinapakain ko yung bata at talagang sagana naman sa bf. Nakakastress at nakakainis lang kasi kung makasalita sila parang pinapabayaan ko yung anak ko. Minsan magtatanong pa kung sakitin daw ba? Eh hindi naman sakitin si LO. Tapos kung ano pa sasabihin. Yung in-law ko nga na kasama namin sa bahay, di naman nagrereklamo. Kasi alam nyang di namin pinapabayaan yung bata. Minsan kung sino pa talaga yung di mo kasama sa bahay, sila pa yung makuda. Hays. #1stimemom #firstbaby #advicepls #pleasehelp

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Don't mind them maisstress k lang. Hayaan mo cla hindi cla hindi mo nmn cla ginugutom dba. Pagdating ng araw at tumaba ang anak mo mkikita nila yan. Saka tandaan mo miii hindi lhat ng mtabang bata ai healty kya makuntento tyo kung saan lang kaya ng bata n iproduce pra s srili nya. As long as hindi tyo nag papabaya s oag papalaki nyan. Ang isagot mo nlang pg sinabi uli un sayo. Sbhin mo matalino ang bata at walang sakit.

Magbasa pa