Saan po gumagalaw kapag hindi suhi si baby

Hello po..pwede po ba malaman..kong san part ng tiyan gumagalaw ang baby kapag hindi siya suhi? Sep.4 po duedate ko. No check up since 2months pa lang tiyan ko. No vitamins rin lahat wala. Ngayon malapit na ko manganak curious ako baka suhi or what. Gumagalaw or nabukol po sya palagi sa left tagiliran ko. Tapos right ng tiyan bumubokol rin madalas. Minsan sa singit may nakaka kiliti rin pong galaw minsan. Naka position na po kaya siya?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganan ang feeling ko nung 20 weeks preggy ako mommy naka Transverse lie / nakabalagbag kung tawagin. Ngayong 36 weeks ko sa ibabaw ng pusod ko sya bumubukol or sumisipa tapos maliit na galaw sa bandang ibaba ng puson at Cephalic na po nung nakita sa pelvic ultrasound.

2y ago

Ultrasound lang po mii ang sure na makakapagsabi ng position ng baby mo. Para iwas worry pacheckup ka na po tutal malapit ka na din manganak.

Utz lang po makakapagsabi kasi base po in my experience pag sa tyan ang sipa, cephalic na pero depende pa din sa placenta kung manonormal nyo

Bakit hindi po kayo nagpapacheckup momsh panu nyo po nalalaman kung ok si baby and wala din kayong tinetake na vitamins???

2y ago

May free checkup naman po sa mga center mii minsan meron din free vitamins. Sa mga gamit naman po ni baby pwede kayo maghingi sa mga kamag anak kaibigan o kakilala nyo kung meron silang mga natabing barubaruan