Leave mula ng mabuntis plus maternity leave
Hi mommies, may itatanong lang sana. Mula ng magbuntis kasi ako ay nagbedrest po ako kaya need magleave until 5 months po panay leave ko po nun. Ngayong 6 months nagtry na ko pumasok. Kaso inadvise sakin ng OB ko na ituloy ko na leave hanggang manganak na po ako dahil maselan ang pagbubuntis ko. Tanong ko lang, wala naman po karapatan ang employer na i-force tayo na magresign diba if halimbawa na ituloy ko na leave ko hanggang kabuwanan at maternity leave after manganak? Ayoko din kasi po na magresign pa at bitawan ang work ko kasi ang hirap maghanap ng trabaho. Paano po ginawa nyo mga mommies? Please help po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy
Read more
Working Pregnant (6 months or 25 weeks preggy)
Hi mga mommies, ask ko lang po hanggang kelan kaya pwede magtrabaho ang buntis? Actually commute po kasi ako everyday 30km in total back and forth na yun pero hatid sundo naman ako. Nakakaramdam na kasi ko ng paninigas ng tyan at pananakit ng balakang minsan. Everyday din akong akyat baba ng hagdan eh 6 months pregnant na po ako. Office naman ang work ko pero nakakahingal din po umakyat baba ng hagdan kasi nasa 2nd floor office namin. Safe pa ba tong ginagawa ko? Salamat po sa sasagot.#1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp #firstbaby
Read more

Hi mga mommies. Finally, nalaman na namin kahapon ang gender ng aming first baby. Hingi lang sana po ko ng suggestions ng baby boy names initial ay K & G. 🥰 Ps. Hindi naman na po siguro ito magbabago noh kasi kitang-kita naman ang putotoy ng aming baby. 😅🤣 #1stimemom #pleasehelp #firstbaby #pregnancy
Read more
20 Weeks Pregnancy Malikot na si Baby Normal lang ba?
Hi mga mommies. Madalas ng maglikot ang baby ko. Tuwing gabi, madaling araw at tanghalian lalo na pag nakain ako anlikot nya sa bandang ibaba ng puson ko. Normal lang po ba yun? Pakiramdam ko kasi nasipa sya sa malapit sa pwerta ko kaya parang pakiramdam ko lagi akong naiihi. Normal din po ba ang laki ng tyan ko at 20 weeks? At normal lang po ba na talagang nasa bandang puson pa po sya or dahil mababa matres ko? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby
Read more
Hi mga mommies. May same case po ba ng sakin? 4 mos na po kasi akong nakabedrest then nakafile po ito sa SSS sickness. Maaapektuhan po ba nito ang Maternity Benefit ko pag nagmaternity leave po ako? Hindi po kasi hinuhulugan ng employer ko ang contribution ko dahil nga din po conflict daw po sa sickness ko. At kelan po ba nagpafile ng Maternity Leave? September 2022 po kasi due date ko. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby
Read more
Heartbeat ni baby malalaman daw gender if baby Boy or Girl
Hi mga mommies na nagkababy na or bago pa lang na nalaman gender ng baby nila. Sakin kasi ay 157bpm 15 weeks pregnant po. Sabi sakin ni OB possible daw na baby Girl. Curious lang po ako. May ganun ba senyo na kahit lampas 140bpm pero baby Boy padin naging baby nila? Thanks po.#advicepls #1stimemom #pregnancy #firstbaby
Read more
RETROVERTED UTERUS BEFORE AND DURING PREGNANCY
Hi po mga mommies! Nais ko lang po sana humingi ng mga stories na nabuntis kahit retroverted ang uterus. Paano po ito nakaapekto sa pagbubuntis nyo? Naging successful po ba ang inyong pregnancy journey kahit ganito? Currently 12 weeks, 3 days po ako ngayon, retroverted uterus po ako before nabuntis and medyo maselan po ang pagbubuntis ko. Any advice and tips po para hindi po makunan? Medyo worried po kasi ako. Salamat po sa sasagot. 😊#advicepls #1stimemom #pleasehelp #pregnancy #firstbaby
Read more

Normal lang ba na parang walang nararamdaman sa puson ang 12 week pregnant?
Hello po. May nabasa po kasi ako na nararamdaman na nila ang pitik ni baby sa ika 11 week nilang pagbubuntis. Medyo worried lang po ako kasi wala akong masyado nararamdaman sa puson ko. Pero may symptoms ako like morning sickness at bloated every evening pero yung pitik na sinasabi nila anu po ba yun? First time mom po kasi ako kaya I have no idea po. Kakaultrasound lang kasi sakin nung 8 week at normal naman heartbeat ni baby. Worried lang siguro ako kasi may case na nawawalan daw ng heartbeat si baby nung patapos na 1st trimester. #advicepls #pregnancy #1stimemom #pleasehelp #firstbaby
Read more