TELLING TO PARENTS
Hello po,pano po yung best way para mag sabi ka sa parents mo na pregnant ka? For a teenage pregnancy
Help! Kakapregnancy test ko lang po, 16 days na akong delayed and ayon positive nga ang PT. I am 21 years olds, nag aaral pa po kolehiyo. Nag iisang babae sa tatlong mag kakapatid, bunso pa ako. Sobrang higpit ng parents ko at sobra rin yung expectations nila sa akin. Hindi ko alam ngayon paano ko sasabihin sa kanila na buntis ako. Noong una pa lang kontra na talaga sila sa boyfriend ko hanggang sa pumayag na sila na makilala umuwi ng probinsya bf ko para makilala sila. Nag stay dito sa amin nang matagal. Okay naman na sya sa parents ko pero minsan kinukumpara pa rin sya ng parents ko sa ex boyfriend ko. Btw, hindi ako iniwan ng bf ko nung nalaman na buntis ako. Nag iipon sya ngayon at parang excited pa nga. Sabi niya lang kakayanin naming dalawa na hindi manghingi ng tulong pinansyal mula sa pamilya namin. Pero 2 months pa bago sya umuwi dito sa probinsya dahil mag iipon pa sya ng sapat na pera para sa check up ko raw at sa vitamins. Paano ko kaya sasabihin sa family ko? 😭 please help me hirap na hirap na ako
Magbasa paWala pang isang buwan pagtapos kong gumraduate ng college nabuntis agad ako. Si mama medyo mahigpit pa sakin non at minomonitor pa ang dalaw ko. Napansin nya na hindi na ako gumamit ng napkin kaya tinatanong na nya ako, ilang araw pa akong tumatanggi non pero hindi ko na natiis at sinabi ko na. Syempre nagalit sya pero nanahimik muna sya sa papa ko dahil natatakot sya na baka mabigla si papa at may ibang mangyari sakanya. Mga ilang linggo, humanap kami ni mama ng tyempo, nag usap si mama, papa at yung boyfriend ko nang hindi ako kasama. Yon ang unang pag uusap nila tungkol sa pag bubuntis ko. Naging maayos naman ang lahat pero nakunan ako. Para sakin nasa tamang timing lang talaga. Kung madaling maka unawa ang magulang mo ay malaking pasasalamat na iyon. Pero kung hindi, tanggapin mo ng buo ang kanilang masasabi pero isa lang ang sigurado, in the end hinding hindi ka nila pababayaan.
Magbasa paCongraaaats ingat kayu ng bibi mooo❤
Nung ganyan kami, una may "meeting day" muna bf ko dati na husband ko na ngayon kasi pinakasalan niya ako; as a sign of respect pakilala muna. Tago kasi relasyon namin. Tapos nung next niyang punta, sa jollibee kami, yung bf ko ang nagsabi. Hindi nagalit magulang ko. If ever sa boy naman sa sabihin, make a right timing kung saan maayos mood ni mother at father kasi ganun pa rin malalaman at malalaman. Pero mahal ka ng prents mo, alam mo yung "anger out of love" pero hindi naman nagtatagal like di ka mapapatawad kasi tatanggapin ka pa rin kasi anak ka. Sana seryosohin mo pagiging mother at magkaron ng lehitimong tatay si baby, at ikaw asawa, in right age if gusto ninyo maitama relasyon. Kasi hindi ganun kadali ang pagiging parent, kailangan mo ng kalinga ng isang husband, not parents cause you're not a "child" anymore but a parent as well. Just suggesting lang po.
Magbasa paSuper super thankyou po napagaan nyo po loob ko😊❤ily
Ako nung feb 24 nasa bag ko lng yung ultrasound ko non tinatago ko pa nung time na yun tapos akala ng daddy ko bag ni mommy yung nandun sa sofa pag kakita binuksan yung envelope ayun na pag baba ko galing sa 2nd floor namin sabi sakin "kunin mo yung envelope na yun, ano yun?" Sabi ko " wala po " sabi nya " wag mo ko lolokohin alam ko yan" tapos sabay iyak sakanya. Hahaha! Pero 23 naman na ko nun and expect ko papagalitan ako kasi only child nga lang ako and nag aaral pa pero hindi niyakap lang nya ko at sabay sabi kakausapin natin mommy mo para jan. Parents yan una magagalit asahan mo yan pero in the end tatanggapin nila yan. Ngayon alam ko disappointed sila sakin pero wala na magagawa.
Magbasa paNung nakabuntis ang kapatid ko 17yrs old lang saken nya una sinabi,ang ginawa namin ng ate ko is biniro namin si mama "Ma anong gagawin mo if magkakaapo ka na?" Sagot nya samin ng ate ko "Bakit sino sainyong dlwa ang buntis?" sabi namin "Si Bunso nabuntis GF nya,Congrats Lola ka na!hahaha" ayan pajoke namin sinabi sknya ang sagot nya "Ano pang magagawa ko andyan na yan eh. Kaya pala hitusra ng kapatid nyo akala mo may 10 anak na" try mo be pabiro sabihin be malay mo db? Pero syempre expect mo na magagalit sila. Goodluck!
Magbasa paThankyouuuu poooo❤
Bago mo sabihin sa parents mo sabihin mo muna sa partner mo magusap kayo kung pano niyo sasabihin then pag ok na isama mo yung nakabuntis sayo kayong dalawa ang umamin sa parents niyo parehas kung may masabi mang hindi maganda mga magulang niyo tanggapin niyo dala lang ng emosyon nila yun mawawala din yun at matatanggap din kayo agad! Pero kung walang ama yang baby mo mas magandang sabihin muna agad para malaman nila at makausap nila yung boy malay mo panagutan ka pag nakausap ng mga magulang mo😊
Magbasa payes tama po si mommy .. sa una lang po sila magagalit satin nadadala lang sila ng bugso ng damdamin Nila Kung may masabi silang Hindi maganda tanggapin lang natin . same tau sis 14years old ako nung mabuntis and 21years old bf ko .. at pinatunayan ko rin sa magulang ko na Kaya ko rin maging mabuting magulang .. now 21 nko at pregnant nako sa pangatlong baby namin 🥰 at meron akong masayang pamilya🥰😇
Lakasan mo lang loob mo together with ur bf, dapat pakita niyo sa fam mo na paninindigan niyo si baby. Iba-iba ng parents minsan may magagalit minsan hindi, pero matatanggap din kayo pareho. Hirap din ako magsabi sa parents ko non kaya sa ate ko muna sinabi and nung inamin na namen kasama bf ko di naman nagalit mama ko kase andyan na daw. Sabihin niyo na, masakit kasi sa dibdib pag may tinatagong lihim sa magulang. And baby yan di dapat itago kasi blessing sa buhay😍
Magbasa paWelcomeee, kaya mo yan sis
Much better kung sabay kayo ng bf mo na magsabi. Paggalang nya yan sa parents mo at sayo. Kung lalaki talaga sya, sya ang magsalita. Always say sorry, dont talk back, accept their anger. Ganun talaga nagkamali kayo eh.. But wait and see. Paglabas ni baby isa yan sila sa pinaka excited 😊 By the way congrats on your baby! Wait ka lang din kasi si baby mo ang magiging source ng happiness and motivation mo 😊
Magbasa paGod bless kaya nyo yan 😊
Sama mo si bf pag mag sasabi kayo, :) shows respect sa parents mo, tanggapin nyu lang mga masasabi nilang masakit kasi normal un, swerte kayo kung malumanay sila at maintindihan nalang kayo.. :) mag salita dn si bf, about sa responsibility nya, cguro ganon dpat. goodluck and godbless sa pregnancy mo, ingat kayo ng bibi mo, :)
Magbasa paWelcome. mag ingat ka and mag vitamins kana para safe kayu baby mo, sa una lang naman ang galit kung magagalit parents nyo, pag anjan na baby, di na yan. tapos panindigan nyu ni bf para kay baby at para walang masabi parents nyu, tutal kayo nmn gumawa nyan... Di nmn papabayan ni lord. 🙏☺
Ako noong umaga ako nag PT then Positive, kinagabihan kasama ko jowa ko sinabi namin kaagad na buntis ako. Oo nagalit sa akin si mama, yung 1st Trimester ko ang hirap kasi masama pa din loob niya pero kalaunan napatawad niya din ako. Ngayon, okay na kami, excited na din siya makita yung magiging apo niya. :)
Magbasa pa
Momsy of 1 little beautiful baby girl