Warning: Sensitive Topic.
Poop Problem.. Hi mga mumsh. 27 weeks pregnant na po ako and first time mom.. Ask ko lang if naranasan nyo rin po ba na hirap kayo magpoop during pregnancy? Ako kasi as in, pag magpopoop kasi ako, hirap akong ilabas either basa/buo ung dumi.. Most of the time kung buo ung poop ko, parang laging bitin or napuputol tapos di ko na mailabas ung the rest... The next days na ko mapopoop pero paunti unti lang talaga. Alam ko na marami naman akong nakakain everyday, pero ung poops ko, konti and feeling bloated talaga ako dahil nga di ko mailabas lahat.. Di pa ko nakakapag ask sa OB ko kasi sa 19 pa ung schedule ng check up ko... Dun ko na sana itatanong. Gusto ko lang malaman if may same na nakakaexperience ng ganto... Before nung hindi pa ko buntis, ang usually na nakakapagpoop saken ay coffee and softdrinks. Natry ko na magcoffee one time ngayong nahihirapan akong magpoop, pero wala pa ding effect. Tinry ko din magsoftdrinks, di rin effective. (Don't get me wrong, tumigil ako magcoffee and softdrinks since preggy ako, ngayon ko lang tinry uli dahil nga sa poop problem ko). May mga nabasa ako na nakakahelp daw po ung gatorade, totoo po ba? Kasi tinry ko na din. Nakaubos na ko ng isang malaking bote, same pa din eh. Kanina, nagpoop ako, sobrang sakit ng tyan ko, alam kong madami akong mapopoop dapat pero bitin nanaman. Ang hirap kasi ipush kasi ung keps at mismong butt ko sumasakit pag pinipilit ko ipush.. nakakatakot naman na baka mamaya kakapush ko, biglang lumabas si baby (hahaha charot..) Kidding aside, may iba pa po ba kayong masusuggest na pwede kong gawin habang waiting pa akong magnext check up? Thank you mga ka-mommies ❤