Anxiety

Hello po. Just want to share my thoughts these past few days. Nasestressed na po kasi ako. Medyo mahaba lang po kaya thank you sa makakabasa at makakabigay ng advise.? First po, second time na po akong nagka allergy. Nung una, 18weeks ako, parang mapa ng Pilipinas yung katawan ko. Every night napunta pa kmi ng hospital kasi dun lumalala ang itch and di ako makahinga. Mga 3nights din ata nun pabalik2 ako then binigyan ako ng doctor ng antihistamine, take ko for 1 week. Yun after a week nawala rin. Naalala ko everytime umiinom ako ng med nawawala yung itch and redness,babalik lang sya pag malapit na mag 8hrs . Nawawala effectivity nya, hypoallergenic diet din po ako nun. Thank God at nawala rin. Then ngayon na naman po,30 weeks as of now?Same nung last,di alam ang causes ng allergy ko. Basta andaming bawal sa pagkain, di rin ako pwdeng maarawan,mainitan o malamigan. Pinastop rin muna ako uminom ng gatas at vitamins ko. Yun yung advise ng OB ko sa kin. 3rd day ko na umiinom ng med,pred 5, di talaga nawala ang itchiness. Soooobrang stressed po ako andami ko nang sugat sa kakamot sa legs,balikat at tyan. Nahihirapan akong matulog kasi uncomfortable po talaga ako sa pangangati. Pag nakatulog na magigising nlng bigla kasi kumakamot na naman. Sabi ng OB ko baka paglabas daw ni baby may allergy din sya or mamanahin nya lahat ng allergies ko kasi andami kong ininom na gamot.? Second,I know marami po sa inyo ang di naniniwala sa tiktik or aswang. Di rin naman po ako naniniwala kasi d ako yung nakakita. Sabi po kasi ng kapitbahay namin may nkita yung niece nya na tiktik sa bubong namin. Dito daw mismo sa kwarto ko. Ewan ko lng kung totoo wala naman po kasing reason pra takutin nila ako since kakapanganak lng din ng anak nya. And the other night po may narinig kmi ni mama na huni ng ibon,first time ko lng po narinig yun. Sabi ni mma close ko na daw yung bintana lagi. Ngayon po napapraning ako kada gabi kasi lagi akong may naririnig na yabag sa labas ng kwarto ko (kabilang pader). Yun lang po. Gusto ko lng mag vent out talaga. Kahit sabihin kasi nila mama na wag masyado isipin iniisip ko pa rin. Napapraning ako para kay baby?Nagpa-pray po ako lagi na sana safe si baby. Nararamdaman nya rin siguro worries ko kaya pag grabe anxiety ko gumagalaw galaw sya. ? Wala din po akong kasama sa kwarto kasi di talaga ako sanay ng may katabi at punong puno po ako ng unan pag natutulog. Yung husband ko katapusan pa ng May uuwi?. Salamat po sa oras at pagbasa.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sang province po kau? nilabasan ako ng allergy nung 9 mos na ako sa panganay. nagpa biopsy ako. sobramg kati nun parang longanisa sa pula ang tyan ko at kumakati buong katawan. akala ko tigdas nung una. pinagamit ako ng ob ko ng physiogel lotion . i stopped all others na may fragrance. pati soap non scented. tas nag subaides din before ako manganak at nakarecover fully sa itchiness after manganak.

Magbasa pa
6y ago

Hello po thanks for replying. sa Negros po. yung sabon ko po na ginagamit pang baby pra hypoallergenic. June pa yung due ko po. If di mawawala ang allergy ko after a week irefer daw ako sa ibang specialist. Worried po ako para kay baby sa dami ng iniinom kong gamot.😥