Help. ALLERGY

Pwede ba akong uminom ng antihistamine? Wala kasi akong contact number din ng ob ko kaya di ko din matanong sakanya at sumakto pang holy week ako nagka ganito, 7weeks pregnant po ako kaya di ko magawang bumili at uminom agad ng walang instructions yun doctor. Please help me po sobrang kati kasi nya akala ko simpleng pangangati lang pero nung lumilipas ang araw kumakalat sya last kasi na kinain ko bago ako magka ganito eh yung chicken di naman talaga ako allergy pero bigla akong na ngati kinaumagahan #pleasehelp

Help. ALLERGY
12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan po nag umpisa sa asawa ko konti lang noon sa may bandang legs niya hanggang sa dumami po nung kinamot niya. buong katawan na niya pomeron ngayon. sabi nang ob niya pupp daw. nagpacheck nadin siya sa dermatologist.

same case ng sakin before. 1 citirizine per day at calamine lotion po reseta sakin ng OB. pinapalitan din ng dove yung sabon ko panligo. after a week naging okay na

I also had the same allergy. My OB recommended LEVOCETERIZINE. Safe nmn daw sabi nia. But much better consult your OB she knows your condition.

mommy nagkaganyan din po ako nung preggy ako ang dami kong pantal pinaligo ako ng pinakuluang dahon ng kamias 3 days lng nwala na po

3y ago

yes po nawala 1week po kc akong gnyan nung preggy ako ayoko nmn po inuman ng gamot kya sbi po sken maligo daw po ako ng kamias ayun 3 days lng nawala n sya

same tayo moms subrang kati.. cream lng ipinapahid ko.. tapos iwas sa maka trigger nang allergy na pagkain..

3y ago

same tayo pero so far chicken at spanish sardines pa. hirap nga eh kasi surprise! allergic pala 😂

punta na lng po kau ER if d tlga avail ung ob nyo or find another ob n avail

chicken din nagcause ng allergy ko miiii. Nahimatay pa ako at na ER

Same tayo sis binigyan ako cetirizine 10mg 3 times a day for 5 days

3y ago

ako nakaallergy sayo mmy?

Kung hindi na po talaga kaya, magpa-er na po kayo.

alerta po sabi nang ob ko safe sa buntis😊