sustento

hello po just wanna ask Kong ano po ba ang dapat na amount ng Ama sya po ay nagtrabaho bilang sjo2 bjmp., minsan nagbibigay sya 5k, 4k, 3k, 2k a month ok lang saakin noon kasi nag trabaho ako ang isip ko is kaya ko punan ang kolang, nagsabi ako sakanya nong nawalan ako ng work na ayusin muna ang sustento kasi maghahanap muna ako ng trabaho, hanggang sa magbigay nalang sya 2k inaway ko sya pinag sabihan na ano mabibili ko sa 2k at sa gatas palang ng bata kolang na, binigay ko sakanya ang lista ng mga needs ng bata sabi ko sya nalang bumili kasi sumasakit ulo ko magbudget ng 2k,and anak ko at 3 taong gulangpalang. lalo na po ngayon mag start na din mag aral ang bata dito ko lang sa malapit pinapasok na saling pusa muna. nastress ako kasi plano ko lumipad Hindi ko maiwan anak ko za ganito sitwasyon baka kapag umalis ako tuloyan na Hindi magsustento., salamat po Sana mabigyan nyo po ako ng kaukolan na kaalaman.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy, lapit po kayo sa legal office ng munisipyo, tanungin niyo po kung anong tulong ang kaya nilang ibigay sa inyo para masiguro na magsusuntento si mister. dapat po nila kayong bigyan ng legal na payo. kung malayo po kayo sa munisipyo, sa barangay po muna kayo magtanong kung anong mga proseso. kung hindi po alam nila sa barangay, punta kayo sa women and children's desk sa pinakamalapit na presinto.

Magbasa pa
3y ago

magsama din po kayo sa paglalakad ninyo para may witness kayo palagi. ingat mommy.