SUSTENTO
To make the story short. I filed a case against my son’s father under RA 9262 VAWC but we had an agreement instead na magsustento sya pero that time jobless sya so hindi ako pwede magreklamon sakaya nya ipadala per month which is 2k for the allowance 2k for the vaccine 4k in total. Nakasulat sa agreement once na magkatrabaho sya tataas na sa 2k ang padala nya pero until now na may trabaho na sya hindi padin nagbabago ang padala nya, mag 2years old na ang anak ko. 4k padin ang padala. (Take note, 2k lang ang para sa essentials nya and yung 2k hati kami para sa vaccine, madalas ang vaccine nya 4k pataas ang price so mas malaki padin ang ambag ko.) Nagconsult ako sa PAO, binalewala lang ako. Ang sabi as long as hindi daw nababa sa 2k ang padala, wala daw ako mairereklamo kaso yun ang nakasulat sa agreement. And kahit dalhin ko daw sa korte, talo lang ako dahil hindi nakaapelido sa tatay ang bata. ALL I NEED IS FAIR TREATMENT PARA SA ANAK KO. Nagagawa nya bumili ng mga luho para sa sarili nya at sa bagong gf nya pero sa anak nya wala. Ang unfair na halos gawin ko na lahat para sa anak ko pero sya walang pakialam. Please enlighten me. Gusto ko mabigyan ng justice ang anak ko. Hindi nya deserve ang ganito. 😩😩 Ano po ba ang pwede kong gawin. Please help me.