Sustento para sa bata

Hello po. Hihingi lang po sana ako ng advice. Hiwalay po kasi kami ng tatay ng anak ko. Ngayon po balak ko po sya ipa brgy dahil po sa palya palya nyang pag sustento sa bata. Naospital po ang anak ko nung Dec 15 lang po. Nag bgay naman po sya yung usual na bgay nya 4k po. Kada 15/30 nya po yan binibgay. Ngayon po nung naospital ang anak ko nag demand po ako sknya na dagdagan nya. Kasi kulang naman yun sa bills at resita palang sa anak ko. Wala na yung pang gatas at diaper ng anak ko. Pero di sya nag bgay,pinangutang ko nalang po yung ipambibili ng gatas at diaper. hinayaan ko po sya hinintay ang susunod na sahod. Pero di po sya nag bgay. Kinontak ko po sya at hingi ang sustento na para sa anak ko. Pero wala syang reply. Pati nanay nya kinontak ko pero blinock ako. Balak ko po sana ipa brgy na sya. Valid reason na po ba yan para ipa brgy sya? Salamat po sa mga sasagot. #firstimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Karugtong.... Ang sustento po na binibgay nya need pa hingiin bago nya ibgay wala syang kusa kahit naka sahod na sya. Nung nanganak din po ako di sya nag bgay ng pambayad sa ospital. Pati po sa mga gamit ng baby ko bago lumabas. Sabi nya po babayaran nya kasi po ate ko po nag bayad lahat. Pero 4 buwan na lumipas wala parin syang binabayad.

Magbasa pa
Related Articles