Sustento para sa BATA

Tanong ko lang po, pwedi pa rin po ba ako mag reklamo legally regarding sa Sustento nang bata? Kasi yung boyfriend ko may iba na at hindi nag bibigay sustento sa bata, at sa tuwing humihingi ako sa kanya sasabihan lang ako na kahit saan kami mag harap may tarungan sya, hindi po kasi apelyido nya dala nung baby ko, kasi nung nanganak ako hiwalay na kami at hindi na nag kikita panay update lang tungkol sa baby at minsan lang magbigay pera, pero ngayon may trabaho na sya hindi na siya nagbibigay. Ano po dapat ko gawin? Patulong po mga moms. πŸ˜ͺ

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Need mo proof of paternity if hahabulin mo sya ng child support according to the law. Mejo mahirap kasi sabi mo last name mo nilagay sa Birth cert ni baby. Daanin mo n lng sa konsensya.

2y ago

Minsan po kasi kapag hindi kasal ang mga magulang at gusto ng lalake na sa kanya ang apelyido ng bata merong pinapafill upan na paternity consent na ipapanotaryo para legal na magamit ang apelyido ng lalake para sa bata, mjo tagilid ka jan mamsh kasi apelyido mo na ang gamit ng bata

VIP Member

Hahanapan ka ng proof na siya ang tatay, medyo tagilid ka sa part na to. Kasi di sa kanya naka apelyido. Pwera na lang kung my documented kayo na acknowledgement.

Kahit po sa inyo naka apelyido yung bata basta may proof kayo na sya ang biological father, pwede nyo po sya mahabol legally.

TapFluencer

DNA test is the only way. Baka may convo kau pwde ata yan pansupport. Ask ka rin sa abogado sa public, hingi ka advice.

awww yun lang momsh kung di apelyido ng tatay nya mahihirapan ka nyan makakuha ng sustento sa father ng anak mo

Hindi ka tagilid dyan pagsikapan mo mag pa tulfo si sir raffy magpapa dna test nyan laksan mo loob mo

Opo mag aapply po ako nyan, salamat po. 😊