7 mos. preggy
hello po. May umaangkas pa din po ba dito sa motor kahit buntis na? Ako po kasi umaangkas pa sa motor ng husband ko papuntang work. Nag consult naman po ako sa OB ko sabi ok naman po kasi wala naman po yun pinagkaiba sa mga pampasaherong sasakyan, mas lalo daw delikado ksi mga walang pakealam just like pag sa asawa mo, dahan dahan lang. Kaso nag woworried naman ako sa mga sinasabi ng mga kapitbahay namin na masama daw sa baby ang pag angkas ng motor. Mas na stress po kasi ko pag commute din sobrang traffic :(
feeling ko nga mas ok umangkas sa motor ng asawa/bf. kasi ang daming driver napaka walang hiya mag maneho pati sa trike jusko nakita nang buntis ung sumakay kung maka daan sa humps di pa maghinay hinay! kanina ko lang ulit naranasan yan jusko pag uwi ko higa agad ako ang sakit sakit ng balakang ko pati pwerta para ako mapapa anak ng wala sa oras dhl kay manong! gigil ako eh kaya lang ayaw din naman ako paangkasin sa motor ng kahit sino samin kasi maselan nga ko pero kung alam lang nila feeling ng nasa trike at jeep na ganun jusko mas pipiliin ko pa umangkas sa motor ng jowa ko. share ko lang gigil ako 😂
Magbasa pa37 wks po ako nun umaangkas pa rin ako lalo na pagpapuntang chekup motor lng kami ng husband ko.. hindi pa nga po ako nagsiside umupo nun pero iwas kami sa malubak na daan..hindi ko rin tinanong sa OB ko kung ok lng pero nakikita nya kpg nagpapachekup ako my dala ako laging helmet at jacket, ngtatanong pa nga sya sakin kung traffic b.. 38 wks nanganak na ko pero ok nmn po kami ni baby ko healthy and smart..
Magbasa paKung sinabi ng OB mo na nothing to worry, that's it. Ikaw lang ang talo at stressed pag pinakinggan mo yung mga kapitbahay mo na nagnamarunong. As long as hindi ka maselan at walang masakit sayo at doon ka kumportable sa pagpasok sa work why not? Be extra careful na lang. Angkas pa din ako sa motor ng asawa ko, 6 mos preggy nako. Wala naman nangyari saken.
Magbasa paUng kapitbahay m chismosa lang yan ganyan dn sbe skn haha ob n msmo ngsbe ok lang. ako 7 months dn nagddrive p ako ng E bike nmen namamalengke pa kc ako. Ung iba ayaw lang tlga mag motor kc tAkaw disgrasya.... kng d ka nman natatagtag i thnk ok lang. ako nga mas nsatress pag ngccommute tricycle eh.. mas maalog...
Magbasa paNaaksidente kami ng partner ko sa motor, nabunggo kami ng innova kaya tumalsik ako.... maingat mag drive ang partner ko pero kung yung mga sasakyan na kasabayan hindi natin masasabi.. 9weeks ako nun, buti makapit ang baby ko nga lang may hemorrhage at ang dami kong gasgas. Ingat ingat nalang mga sis..
Magbasa paYes okay lang nasta dahan dahan wala po talagang problema ganyan din ako hanggag 7months yun lang nag spotting naman na ako talaga kaya ganon ako pinatigil pero mula 1st trimester ko gang mag 7months nag momotr ako nagspotting nalang talaga due to pagod na over pagod talaga.
Ako mag 8 mons na nakaangkas padin kay asawa hehe. :) Nakaka stress kasi mag commute lalo na college student ako. 2nd baby na namin to ganon din ako sa 1st hehe. Basta di ka nakabukaka kasi masama talaga yun, dapat paside upo mo ( upo ng mga naka palda/dress ).
8months preggy here momshi, everyday kami nag mo-motor ni hubby basta mabagal lang patakbo po at syempre ingat din po..namamalengke kami nag titinda kami luto ulam, ako din nag luluto 😁para exercise ko na din po thank god ok naman po kami ni baby....
Ako nga mula sa panganay hanggang sa pangatlo ko umaangkas pa ako ng motor hanggang sa manganak ako. Wala naman nangyari sa baby ko. Normal naman silang lumabas lahat. Sabihan mo na lang sa hubby mo na ingat at dahan-dahan na lang sa pag drive.
Kung wala talagang ibang masasakyan...sa motor nalang kasi mas ma kokontrol mo ung bilis at kung lubak ang daan..minsan kasi pag sa jeep,tricycle, or bus minsan kasi walang ingat ung driver.or kahit lubak ung daan walang pakialam ang driver..
Preggers