7 mos. preggy
hello po. May umaangkas pa din po ba dito sa motor kahit buntis na? Ako po kasi umaangkas pa sa motor ng husband ko papuntang work. Nag consult naman po ako sa OB ko sabi ok naman po kasi wala naman po yun pinagkaiba sa mga pampasaherong sasakyan, mas lalo daw delikado ksi mga walang pakealam just like pag sa asawa mo, dahan dahan lang. Kaso nag woworried naman ako sa mga sinasabi ng mga kapitbahay namin na masama daw sa baby ang pag angkas ng motor. Mas na stress po kasi ko pag commute din sobrang traffic :(
Nadala na ko, kasi naaksidente kami ng partner ko sa EDSA mismo tapat ng Mega Mall. Nadale kami ng Innova kahit sobrang ingat namin,9weeks ako that time. God is really good kasi walang bleeding though may hemorrhage padin.. Ngayon 25 weeks na ko :)
Okay lang naman mumsh, yung ka work ko, all throughout her pregnancy hinahatid siya ng hubby niya 30 mins ride everyday, motor lang din. Na stop lang sa pag motor nung nag maternity leave na siya na 1 week before her due date..
Ako nga di ko Alam 3 months Preggy na pala ako. Nagbyahe pa ako sa bukid(rough road) for 2 hours super lubak pa ng daan . Natumba pa kami sa motor... Pero ok naman c baby. Hindi rin naman ako maselan. Tnx God 😊😊😊😊
39 weeks and umaangkas pa rin ako sa motor. There's nothing wrong naman specially if di ka maselan. Walang pinagkaiba sa pagsakay ng trike na minsan mas mabilis pa magpatakbo kahit na may humps. Trust your OB.
ako momshie simula preggy nakaangkas sa motor till now na 6months na c baby yan pinaghahatid sundo skin ng asawa ko sa work.Mas maingat mgdrive asawa natin kesa mgttricycle ka bargas kung minsan mgpatakbo .
Ako 7 months na umaangkas pa rin sa motor..mas feeling safe pa nga ako kesa sa public na sasakyan walang pakialam ang driver kung buntis ka harurut kung harurut at kung may humps mapapakapit ka talaga.
Ako din umaangkas pa pero pa side na nga lang, mas safe naman talaga kesa sa mga taxi na walang pakielam. Wag ka na nga lang yn pabukaka tska siguro wag lang din madalas para hindi din tagtag.
Sumasakay pdin ako ng motor 7months pregnant na ako. I think okay lng as long as hinay2 lng ang takbo ng motor. Okay lng nman talaga lalo nat mahihirap tayu mga wala tayong sasakyan. Haha
umaangkas pa din ako gang ngayun, minsan ako pa nga ngddrive hihi, kapag ibang sasakyan kase lalo pag trike, wala ako twala, lalot mabibilis sila magpatakbo tapos sa lubak pa
Ako po simula nabuntis hanggang ngayon 5 mos po ako umaangkas ako sa asawa ko sa motor pag nagpupunta kami palengke po. Mas bara bara kasi mga sidecar at tricycle eh.
God is good! ❤️