malditang anak

Hello po,.. tatlo po anak ko at ung panganay ko ay babae, lage po kamig nag aaway at lage ko po syang napapalo dahil matigas at laging sumasagot sagot pag pinapangaralan ko, minsan napapaiyak nalang ako dahil sa sobra kung palo sa kanya, kaya ngayon sa bahay na lola niya ngayon siya tumira, magkatabi lng po bahay namin ng mama ko, parang ang layo po ng loob niya sa akin, alam kong ako ang mali minsan po nasabi ko rin sa kanya na mawala nlng siya sa buhay ko dahil siya ang dahilan ng paghinto ko sa pag aaral,.. ano po ba dapat kong gawin mga moms, sobrang miss ko na po anak ko..

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang mommy ko lang, sinasabhan ako na pasalamat ako dahil binuhay nya ko. Lol. masakit yan para sa anak mo. Sana bago tayo magsalita isipin muna naten yung magiging bunga ta mararamdaman ng tao, lalo na't anak mo yan. Pwede mo namang kausapin. Makikinig naman sayo yan. Hnd mo kelangan pagsalitaan ng ganyan.

Magbasa pa