50 Replies
Ganyan din po yung Ate ko 17 years old sya nung pinanganak nya yun, anak nya sa pagkadalaga di din sila magkasundo Babae din, sa Lola lumaki yung bata (saamin) halos ako nagpalaki sa bata ako na tumayong Nanay lagi ko pinagsasabihan yung Bata na intindihin Mama nya panganay sya dapat tumulong sa pag aalaga ng mga kapatid nya. 15 years old na ngayon yun lagi napapagalitan ng Ate ko at kung ano ano na din nasasabi nadadala ng init ng ulo. Palagi ko lang ginaguide na wag sasama loob mahal lang sya ng Mama nya kaya lagi sya pinagsasabihan. Kausapin nyo lang po Mommy every after nyo pagalitan. Paunawa nyo bat kayo nagalit sa kanya ano kasalanan nya para di paulit ulit. Paramdam nyo mahal nyo sya na di mo nagawa yon dahil galit ka lang.. Nagagalit ka kasi mahal mo sya at dinidisiplina mo sya para sa sarili nya para sa ibang tao marunong sya makitungo. Ate ko kasi malambing after nya paluin di nya matiis na ikiss at yakapin kaya di nagtatanim sama ng loob anak nya. Saka pag sobra syang galit mahinahon nya kausapin kasi ang turo nya sakin Pag sinisigawan mo anak mo mas napapansin nya yung tono ng pananalita mo kesa sa sinasabi mo, di nya maiintindihan yung sinasabi mo sasma lang loob nya kasi ang naiisip nya mataas boses mo at galit ka lang. Kaya pag kakausapin mo sya lalo na malaki na sya mahinahon po palagi. Sana makatulong sainyo and Pray lang lagi.. Mahal ka ng anak mo sobra, di lang siguro nya kaya iexpress kaya sana maging open kayo sa isa't isa 😊 God bless!
Mga mommy n ngkkomento,sna pghumhingi ng tulong s nyo wag nyu n dgdgan ng msskt n pnnlita, wlang perpektong mgulng. D nya mnmean un mga cnsb nya. Kht nmn cnu mgulng mnsan d maiwsan mkpgslta s anak ng d mgnda dhl s inis at pgddsiplina db. Dhl nppuno rn tayo. .d ntn alm mga pgddaanan ng bwat mgulng, and s pnahon ngaun mrmi ng suicidal kya maigi mtuto tau umintndi nln kht nhhrpan tau ntndhn,tutal hmhingi ln ng nmn ng payo un tao. . Para sakin hnggt buhay k p mommy mrmi k pang chance pr bumawi. Bgyan m ng atensyon un bata. Mnsan kc mga bata mbaet s ib pgdtng s mgulng mtigas tlg ang ulo, kc alm nla n kht pglitan cla mmhlin p rn cla ng mgulng nla. My mga bta n rn kc tlg n mxdo mtigas ulo, mnsan nga snsktan p nla un mgulng nla pg d cla nssunod. Hnggt bata p un anak m turuan m xa ng tma. Mkksnyan rn nya yan na anjan k lge pr skny
Salamat po momshie...
Nalukungkot naman po ako sa situation nyo mommy. 😔 pero hindi pa huli ang lahat kausapin mo po anak nyo po, huwag niyo po hayaan patagalin yung ganyang set up po. Ako rin po napapalo ko yung anak ko mnsan grabe dn ako mnsan mamalo pero nakokonsensya dn ako kaya pag okay nako at okay na sya kinakausap ko siya tinatnong ko saknya bkit ko siya pinalo? Kung anu ginawa nya bkit ako nagalit tas ayun bati na kami. Kikiss ko siya. Kaya khit saming magasawa ako yung laging namamalo mas malapit loob nya sakn kesa sa daddhie nya.. Share ko lng mommy bka makatulong po ung experience ko po sa anak ko. Kausapin niyo po para magkaintndhan po kayo. Anak nyo po yan wag nyo po tiisin. Yun lng po. God bless po! 😇
Ilan taon na ba panganay mo? Kung nga nasa 7 and up cya. Huwag mo ibuntun sknya yung galit mo kung bakit ka nahinto sa pagaaral, ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nahinto. Hindi sa lahat nadadaan sa palo, lalo na kung grabe. Lalayo talaga ang loob nya sayo, pwede ka maging strict at the same time cool mommy by not hurting your child, kausapin mo cya ipaintindi mo kung bakit mo napapalo, baka kasi pinagsasabihan mo nga nakasigaw ka naman, lalayo talaga loob nyan. Ngayon plang hindi mo na cya macontrol, paano pa kapag nagdalaga yan, baka lalong hindi mo makontrol yan, minsan sa pagpapalaki mo din yan. Makipag bonding ka sa anak mo.
11 Na po ung panganay ko.. at ang masakit parang hindi na ina turing niya sakin..
mommy wala po kasalanan un anak mo bt ka napatigil sa aral. better patch up with you child kasi it might lead to na mgrebelde po sya :( sad but its true. uso pa naman depression naun at mgng masamang effect yan sknea. dapat kau po na mom nya an dapat mkpgfeel na safe and comfortable sya. I understand na nkakainis kasi gnyan dn panganay ko marunong na sumasagot sagot, pinpagalitan ko pero hindi ko pinapalo tpos kng okay na un utak namen preho maguusap na yan kme at mgsorry sa isa't isa. napatigil din ako sa pagaaral ko dati pero never ko sya sinisi he is my greatest blessing in my life.
Di mo masisisi ang anak mo kung malayo loob nya sayo kasi sinisisi mo siya eh hindi naman nya kasalanan na nabuntis ka nang maaga at di ka nakapag aral. Choice mo po yun. Iparamdam mo sa anak mo na mahal mo sya at masaya ka na nabuhay siya sa mundo, na precious sya. Hindi dn ako naniniwala na madidisiplina mo ang anak sa palo kasi mas effective para sakin yung pagsasabihan mo siya, di lang yun, dapat nakikinig din tayo sa kanila. In that way, makakabuild kayo ng connection at mas magiging close kayo. Kulang kayo communication. Listen and understand.
Habang maaga pa mommy itry mo na ibridge yung gap nyo kasi pag tumagal yan mahirap na uli ayusin. Try mo kapag galit na galit ka na, take a break, umalis ka sa room tsaka ka na bumalik pag kalma ka na kasi tendency on impulse makakapagsalita ka ng d maganda or masaktan mo anak mo. Ako habang baby pa anak pag naiinis ako at iyak ng iyak kahit karga na, ibinababa ko umaalis muna ko hinahayaan ko umiyak kesa d ako makapagtimpi at kung ano magawa ko, minsan kasi nasheshake ko at nalapag ko ng pabagsak sa sobrang frustration.
hi sis .. unang una walng ksalnan ang anak mo bakit k nahinto s pag aaral mo .. Desisyon mo/nyo ng bf mo n mag sex kayo at s maling panahon e nabuntis k at sya ang nging bunga .. Sabi nga ng iba "aral muna bago landi" .. Hndi rin ako nktpos s kolehiyo dhil nbuntis ako peru never kong sinbihan ng msakit n salita yung anak ..kase tumatatak s isip nila yun 😥😣.Oo npplo ko rin anak ko peru after awhile ngsosorry ako kase minsan kya tayo ngglit ay dahil s stress at pagod .. Kausapin mo sya at mgsorry k .. 😊
welcome 😊 sana hnd p huli ang lahat para magkaayos kayu mommy .😊😊
Kausapin mo nalang ng masinsinan anak mo. Sobra siguro siya nagtampo sayo momsh. Naging mali kang nasumbatan mo siya, pero kung maipapaliwanag at makakabawi ka saknya maiintindihan at babalik loob niya sayo. Next time po, be mindful nalang sa mga lalabas sa binig natin, kung sobrang peak na ng emotion po, better layuan mo muna or magpahangin ka or ibigay mo muna sa lola niya. Ang hirap po talaga pagdi mo na mapigilan emosyon mo, talagang kung ano ano nasasabi mong di mo sinasadya.
Mommy, okay na aware ka sa behaviour mo and aware ka na dapat may baguhin ka. Although hindi madali, kailangan ichange mo perspective mo. Ako pag naiinis or napapagod magalaga sa baby ko, iniisip ko na hindi naman niya choice ipanganak kaya hindi ko dapat siya pahirapan or sisihin. Sobrang innocent nila. Wag natin sila pagalitan at lalong wag paluin. Hayaan mo na muna siya sa mama mo para din makapagreflect ka sa mga actions mo.
KALM