BAKUNA

Hi po. Tanong ko lang, same lang po ba ang bakuna sa hospital at center? Ayaw kasi ng mister ko na sa center kasi natatakot sya baka delikado daw, os kahit medyo may kamahalan mas gusto nya sa hospital magpabakuna si baby. E ako pinipilit ko pa sya na sa center nalang kaso di ko alam kung pano ko idedefend since di ko din sure kung pareho lang na or mas better talaga pag sa hospital.

84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa health center lang po lahat ng bakuna ko according to my mom. Ok naman po ang buhay ko hehehe di naman pumalpak so far yung mga vaccines ng health center sakin. Yung anak ko po nung umpisa sa private pedia po. Kaso sobrang bigat talaga sa bulsa kaya ang ending sa health center na rin sya. Kung may budget naman po kayo sa pedia, go lang mumsh. Pero if budgetarian ka or praktikal lang talaga, ok na po sa health center. Galing din naman po ng DOH mga vaccines nila. Trained din po mga tao dun.

Magbasa pa