7 Replies

magready po sa gastusin. di biro ang gastos, ako kasi mild pcos naman pero ang laki padin ng gastos dahil sa dydrogesterone at progesterone na reseta sakin. nagpaalaga ako sa ob-rei & ob-perinatologist anyways. wala akong spotting hanggang 3 months kaya pinatigil na ako sa duphaston at progesterone, pero case to case basis pa din depende sa magiging condition ng pagbubuntis

I was diagnosed with Bilateral PCOS last year. Then this year po nabuntis ako 🥹❤️ 34 weeks na kami bukas ❤️ Okay naman po pagbubuntis ko, awa ng Dios ❤️ Basta, regular check up po then sundin lahat ng sinasabi ni OB.. mula sa pagtake ng vitamins, mga laboratories needed. Iwas po sa stress. And most importantly, always PRAY po ❤️

Hi, bilateral pcos din ako. 17wks preggy. Nahirapan ako sa 2nd until start ng 4mos, parati nagsusuka & hirap kumain pero so far okay naman parati yung checkups & ultrasound ni baby. Nakakapagexercise na rin ako ulit kasi nahinto nung grabe yung paglilihi at fatigue sa early months

Yes, nagpatransV ako nung unang prenatal checkup ko, 4-5wks ako nun

me po, PCOS both ovaries, not planned baby ko since may PCOS nga ko super irregular ng menstruation ko, wala talaga sa isip ko na buntis na pala ko nun kasi matagal ako bago magkaron. wala naman naging problema sa pregnancy ko. 1 month na ngayon baby ko 🥰

masilan po ba yung pagbubuntis nyo? and nawala po ba pcos after manganak mi?

My pcos din ako at cnbihan ako ng obgy na unang tumingin sa akin maselan ang pag bubuntis lalo na at malapit na ako mag 35 blessings in Disguised ang bigay ng Diyos kya kung todo ingat din kme sa bahay

hi mii sa 1st baby ko bilateral PCOS ako and naging stable med ang duphaston until 6months 😊 ngayun sa 2nd baby ko, right ovary nalang ang polycystic and still on duphaston prin. 😊☺️

nakapag pa tvs na po kayo? same case po pcos both ovaries pero preggy

kaya siguro positive na ngayon 🥰

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles