PCOS :( Bilateral

Hi all ako po ay diagnosed ng may pcos so may Diane pill ako currently. Any idea makakahelp sa pcos ko. LDR kasi kami ng asawa ko hoping next year makabuo na kami Nag work out na din ako para mawala to :(

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dati sis ako rin may pcos bilateral din. Nagpaalaga ako sa OB ko. Ako sis di ko pinili magpills kasi mimic lang ang mens dyan. Mas gusto ko na naturally ako nagmemens. ako kasi non halos 1 yr di ako nireregla. Overweight din ako that time. Ang ginawa ko regularly nagggym ako at discipline sa pagkain. nasanay ako non na almost no rice ako. For 2 years pinatake ako ng metformin and folic acid ng ob ko. Tapos follicle monitoring kami nung regular na ko nagmemens, pinatake ako ng clomid para makita if mangingitlog ang ovaries ko. Magastos at nakakadepress sa totoo lang yung mga panahon na yun pero sinikap kong ayusin sarili ko para di masayang ang gamutan. Sundalo rin kasi asawa ko kaya sacrifice din nagresign ako sa work para magkasama kami kasi mahirap LDR mahirap tyempuhan. Awa ni Lord nabiyayaan kami ng anak 2019. at ngayon naman sis sunud-sunod anak namin. 😂 2019, 2021 and now kabuwanan ko na sa 3rd baby namin. Still may pcos pa rin ako pero isang ovary naman. dasal lang sis. at magtiwala sa timing ni Lord. I pray na soon ibigay ni Lord ang desire ng puso mo na magkababy. 🙏💞

Magbasa pa
2y ago

dati sis 1lang pcos ko now both na :( nawawala nga to bumalik lang

Paalaga kayo sa OB mommy. Pacheck mo din po hubby nyo. Baka kasi mya gamot k ng gamot tas may need din pla iwork kay hubby mo.. Ganan kasi kami ng husband ko, it turns out na may need din icorrect sa kanya. Sabay kami nag gamot (Pcos ako, varicocele sya) at nag low carb na din, matinding disiplina para sa paglo lowcarb (big help to & prayers syempre). Dumating kami sa point na kung ibibigay samin ay TYL kung ndi nmn ay TYL pa din po.. Sa awa ng Diyos, in his perfect time (after 5yrs married) nabiyayaan po kami..

Magbasa pa

mii na diagnose din ako pcos 2020,feb 2021 nabuntis ako unfortunately nakunan din. Now i am 8 months pregnant. Advice ko lang mii, Avoid sweets or ilessen niyo po,iwas din po kayo sa mamantika. Mag healthy living po kayo gulay mii,veggie salad maganda yan. Less rice papayat po kayo. Ako kasi ganyan ginawa ko and nagtake ako Folic acid and myra E. Folic sa umaga,myra e sa gabi bago matulog.

Magbasa pa

paalaga kalang sa ob mi, me pcos din ako but im 9weeks preggy na ngayun 😊 few months lang after ng kasal nmin ni hubby, pero nung di pa kami nag li live in hirap bumuo pag long distance kailangan kasi lagi me naka abang na sperm sabi ni ob.. hirap ma tyempuhan lalo pag irregular at pcos

2y ago

everyday sabi sakin nung ob nung nakita nya na me magandang egg na naka abang sakin, pero dahil nag wowork si hubby nag everyday kmi, para nmn di ubos lakas lagi si hubby hahaha

exercise and proper diet dagdagan mo na din beauty products para dun ka magfucos para iwas stress pag uwi ni hubby mo maganda ka na at healthy.. Good luck mi ganyan din ako sayo 2yrs LDR kami ni hubby now buntis na din ako pcos left ovary ko almost 1yr kami magkasama kaya siguro natimingan namin

Paalaga ka sa ob sis, pinagtake ako nun ng metformin, folic, ovamit, duphaston, at provera para sa mens ko. Nag calorie deficit dn ako at jump rope. Samahan mo dn sis ng prayers 😊 nahirapan dn kami bumuo last year pero now 7 mons preggy na ❤️

TapFluencer

proper diet and exercise. paalaga ka lang din po sa OB mo. i had pcos for years and we did struggle ttc. but sa most unexpected time na nagamot ang pcos ko, we were blessed with our first baby out this coming december. prayers lang din mi

paalaga ka lang po momsh sa OB mo, diagnosed with PCOS din po ako both ovaries. and eto po 32weeks na kami ni baby bukas. malapit na namin sya makita ng personal.. ❤️

same po..pcos din ako pero nakabuo din kami sa awa ng Diyos...nagpa alaga din ako sa ob at exercise with healthy diet

Paalaga ka lang ng ob