Tumigil Uminom Ng Multivitamins

Hi po, sino po dito ang katulad ko na huminto uminom ng Obimin at Caltrate. Sobrang nagsusuka ako kapag iniinom ko sila :( 3 weeks na kong huminto na di pa sinasabi sa OB, this week po prenatal visit ko, sasabihin ko na sa kanya. Lahat ng kinakain ko sinusuka ko tlga kahit mga after 1 hr kong kumain, then ska ako iinom ng vitamins. May mga huminto din po bang mommies and ano po naging effect kay baby? 6months preggy n po pla ako. Thanks po sa sasagot.

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sabi ng ob ko pag nasusuka daw ako pah iniinom ko ung obimin , ibahin ko daw routine pag-inom ko nun. dati kasi iniinom ko sya after kong kumaen,ngayon iniinom ko na agad sya before kumaen. ayun okay naman hehe