38 Replies

Ako mommy nung ika 4 months ko 1 month akong di uminom ng kaht na ano gamot or vitamins kase sukang suka ako then nagstart ulet ako nung ika 5 months ko pero bumalik n nmn sya kaya ngayong ika 6 months ko buong month ulet akong hnd naginom mag seseven months nko sa friday kaya balak ko na ulet ituloy

Hay salamat naman. Ganun nga ginagawa ko mommy. Araw araw may gulay at prutas pagkain ko tapos puro tubig.

Yung obimin, alternate day ko sta iniinom pagdating ko ng 3 months. Tapos 2 glasses of milk nalang. Pero daily parin yung folic ko. Tapos nung nagpa check up na ako, niresitahan ako ng OB ko. Instead na Obimin, Myoga na yung iniinom ko now. Better sya compared sa obimin

Ako po mommy pinatigil ni OB yung calcium made, ika 2 na yun na reseta nya na pinatigil. Sumasama talaga pakiramdam ko pag umiinom ng calcium. Nanghihina, nangangalay, sumasakit ang uo nagpapalpitate d makahinga at kug ano pa. D ko talaga maexplain kaya pina stop nya.

Sabi po kasi ni OB ko, yung mga pre natal vitamins pang support po sa development ni baby. Kung hindi po iinom, yung vitamins na kailangan mo para sa katawan mo yung gagamitin ni Baby, at para pong assurance din na may sapat na vitamins na nakukuha si baby.

Ang ginagawa ko po eversince tumagal ako 3weeks ago ay binabawi sa food. Kasi gumana ako kumain. Laging may meat, fruits saka veggies. Then more water. Marami na po sakin nareseta, sinusuka ko tlga lahat. :(

Mga mommy, update lng ako, ako po ung nagpost nito. Iinom n ko ulit ngayong araw. Titiisin ko n lng. Nagkaubo ako at sipon ng bongga. Ang sakit sa dibdib saka sa puson kapag umuubo. Grabe, parang humina immune system ko dahil kulang sa vitamins.

Ganun n nga po. Kakainom ko lng After 1 month para kay baby haha. Salamat mommy.

Saken din nakikita ko palang ang obimin parang bangungot siya para saken 😅 tas talagang sinusuka ko so ang ginawa ko nag papalit ako ng vitamins sa OB ko , pwede naman papalitan para din kase kay baby ang vitamins at sayo

ako kaka-stop ko lang uminom ng obimin, pinalitan kasi vit ko from Obynal-M to Obimin and sobrang nakakasuka talaga sya unlike dun sa Obynal-M na never ako nakaramdam ng pagsusuka. So, baka bumalik na lang ako sa datin.

Same here mamsh nasusuka din ako everytime na umiinom ako ng caltrate pero tiis tiis lang para kay baby 😊 and after ko po umiinom kumakain po ako ng kiat kiat na prutas or candy po para mawala yung lasa sa dila ko

VIP Member

Nakaka suka talaga sya kaya d ko masyado naiinom yan nung buntis ako. Madalang talaga ako uminom ng vitamins noong buntis ako d ko talaga gusto ung umiinom ng mga yan tas malalaki pa kaya siguro maliit baby ko.

sabi ng ob ko pag nasusuka daw ako pah iniinom ko ung obimin , ibahin ko daw routine pag-inom ko nun. dati kasi iniinom ko sya after kong kumaen,ngayon iniinom ko na agad sya before kumaen. ayun okay naman hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles