Inaaswang sa gabi

Hi po sino naka same experience? Na inaaswang sa gabi ako kasi tuwing 11 nag start minsan nakaka amoy ako ng masangsang na amoy ung tipong nagbubulok na katawan ang amoy tapos may nag lalakad sa bubong rinig na rinig sa banda lang sakin may asin naman ako at Bawang kaya d rin ako maka tulog kasi natatakot ako para sa baby ko 🥺😭 11 weeks and 1 day po huhu

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako naman po laking siyudad, laki din ako na mahilig sa katatakutan, aware ako sa mga ganyan although di ako pa naeexperience at samin mga taga siyudad, ang mindset namin is sa probinsya lang meron nyan. Di ko po alam ha, di po ako sure, pero nung tumira ako sa bahay ng asawa ko dahil nga buntis ako which is siyudad din ang lugar, every night po sabay sabay na nagtatahulan ang mga aso ng kapitbahay namin. kahit madaling araw magigising kami sa tahol ng mga aso. shempre sa labas kung wala lang tao di naman siguro sila mag iingay di ba. sa tapat kasi ng bahay ng asawa ko may puno ng sampalok na matanda pa sa asawa ko. di ko sure kung ano ang nasa labas. napansin ko lang na palaging maingay ang mga aso nun. ngayon na hindi na ako buntis, hindi naman sila ganun. PS. Wala naman po akong ginawang kahit ano nun. natakot lang ako kasi evry night talaga maingay ang mga aso, di ako makatulog ng maayos kahit ang asawa ko, lalo na working pa ako nung buntis ako. Napanganak ko naman ng normal ang anak ko.

Magbasa pa

Ako kahit di ko pa naexperience naniniwala ako kasi yung sister in law ko natalunan ng itim na pusa sa tyan paglabas ng baby nya putol na yung cord tas durog durog daw inunan. nakakatakot kaya i prefer na sumunod na lang sa kontra aswang. everynight itim na damit ang suot ko, may walis tingting sa baba ng kama namen, may itak at bala ng baril din. naglalagay din ng bawang at asin sa labas ng bintana si hubby. may gunting na malapit sa kama para kung sakali daw na may sinulid na nakabitin putulin daw. kahit may kisame kame. 😅 Kung iisipin talaga parang tanga na naniniwala ka sa ganun. Pero wala naman masama na maniwala diba. Atleast lagi handa hahaha. may times pa nga na ang lakas ng huni ng ibon, pag mga 11 or 12 na, ginagawa ni hubby binubuksan nya bintana hinahamon nya hawak itak, sasabihan nya na pag lumapit daw sya saken gagawin syang bopis hahahaha kaloka 😂

Magbasa pa
2y ago

natalunan din Ako Ng pusa pero puti nung 8mos Ako as of now Naman malikot baby ko malapit Nako manganak.🤧

ako din ng buntis ako every 2-3am nakakarinig kami ng hubby ko ng malakas na apak sa may bubong ng laundry area namin na nasa likod ng kwart namin may kesame kasi kaya di masyado marinig unless doon sa yero sa laundry area. tapos nag iingayan aso at manok. wala naman masama mag ingat. nag lagay kami ng asin at bawang sa may bintana namin at nag tatabi ma din ako ng bawang na nakalagay sa maliit na pouch tinatali ko sa beywang ko. tapos everytime may nag iingay sa bubong di rin ako makatulog kahit anong palit posisyon ko ng paghiga. one time wala asawa ko kapatid ko kasama ko pagtulog ayon pagkalakas ng kalampag sa yero. nagulat kami ng kapatid ko..

Magbasa pa

Naniniwala din po ako sa Aswang same with me naexperience ko siya lately.. I am Christian, I believe in God at biblical din po ang fallen angel.. 4am nakakita ako ng shadow wings then after mawala biglang nagsiingayan yung mga pusa at aso dito samin kaya di rin ako makatulog.. na experience din ng mga kapatid ko kasi parang may humahampas na hangin daw sa bubong namim tapos after nagingay ulit ang mga pusa. Kaya nagreready rin kami, sinusunod ko rin po mga advise ng matatanda. First time mom kaya natatakot din ako for my baby.

Magbasa pa

Taga san ka? Pano mo naman masabi na parang amoy ng katawan na nabubulok talaga yun. Ang pansin ko kasi sensitive ang pang amoy pag pregnant ka na. Baka basurahan lang naamoy mo? Chill, masama ma stress. Baka pag na kmjs at mag set sila ng cctv, baka pusa makita sa bubong. May mga nabuntis naman siguro sa mga kapit bahay mo noon. At siguro naman walang masamang nangyari sa kanila.

Magbasa pa
2y ago

malaman ko pag may aswang kukulo ang lana ng Lola ko.......

naka experience napo Ako Ng GANYAN, sakin Naman narinig din Ng husband ko namay tumalon sa gilid nya nung umuwi kami Ng probinsya nila sa Mindanao tas hating Gabi, napaka sakit Ng tiyan ko super tas minsan din napaka ingay Ng mga kuliglig tas baboy sa ilalim Ng silong Ng bahay tas mga manok like parang may naglilikot kasi alam mo naman Ang mga manok konting ingay or something lang na makasanggi sa kanila nagigising na Sila,

Magbasa pa

yan din po lagi kng nararanasan kada sasapit yung 6pm partida po asa village pa kmi nakatira niyan pero ang aga ng bisita ko twing gabi kahit naulan walang palya parin tlga yung pag bisita niya ramdam mo po tlga na di siya pusa kasi ambigat ng apak niya sa bubong tsaka sa kwarto ko lng siya nagpapabalik balik tas bigla na lng sasakit yung tyan ko kaya nag lalagay ako lagi ng lana pag sapit ng alas singko

Magbasa pa

22 weeks preggy here. wala pa naman na experience na ganyan. may times lang sa gabi na hirap ako makatulog. concrete naman bahay namin. di rin maririnig yung sa bubong kasi may plywood na kisame. pero meron ako buntot ng pagi n lagi nasa wallet ko. tuwing gabi nagp-pray kami ng asawa ko. sabi ng nanay ko wag ako mag isip ng kung anu ano lalo na kung negative. para di rin ako mastress.

Magbasa pa

sakin mamsh nung 1st trimester ko. hirap ako makatulog twing gabi as in. feeling ko laging may nakatingin sakin. kaya ung partner ko ginawa nya naglagay ng bawang sa bintana at pintuan. nagsaboy din kami ng asin sa parte ng bintana at pintuan. after nun mahimbing na tulog ko. wala na ung feeling na parang may nakatingin lagi

Magbasa pa

Hello mamshie. Naku naniniwala po kami jan as Ilonggos. Wala naman masama mag take precautions. Try niyo nalang din po mag lagay ng sanga ng pomelo sa labas ng bintana tsaka takpan ang baby bump niyo ng black. Ask niyo nalang din po mga elderly kung ano ma suggest nila.

2y ago

hello sis, okay lang po ba if red? Ang sabi po kasi sa akin is red daw po ang ipangtakip