iyakin ang baby ko

Hello po, since pinanganak yung baby ko napakaiyakin. tipong pag gising hindi pwedeng hindi po siya iiyak. Ngayon pong 7 weeks na siya, medyo nabawasan po iyak niya kapag gising. Possible po bang dahil rin sa kabag yung iniiyak? Kapag 6 na po ng gabi, iiyak na po siya hanggang sa makatulog. umaabot po ng 2-3 hrs yung iyak po niya :(( Pansin ko rin po na parang pinipigilan niya yung antok niya kaya ending, iiyak na po siya o magwawala kasi hindi po niya makuha yung tulog niya. Any advice po tatanggapin ko po. 🥹

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same mi, sakin 2 weeks sya super bait as in tulog iyak saglit tas dede lang nung pa 3 weeks na sya nagiba na bukod sa namumuyat ng grabe e grabe rin umiyak to the point na pinunta ko na sa pedia pero wala naman negative na sinabi si pedia nya. bali ang naexperience niyo po ay growth spurt na kung saan fussy sya, pwede rin na increase hunger, pagiging clingy na ayaw mag palapag at iba pa, maoout grow po ni baby nyo yan habang tumatanda sya. possible rin po na may kabag si baby or hirap mag poop observe niyo rin po, always check temperature po baka nilalamig or naiinitan. as of now mag 2 months si baby medyo nabawasan pag iiyak medyo nalalapag na sya pag gising di katulad dati. 5 weeks sya nung nagbago ulit sleeping sched nya di na namuyat pero normal po na paiba iba kada week or month yung ganon hehe.

Magbasa pa

marami po kasing dahilan ang pag iyak ng baby. baka kulang sa burp, baka kinagat na pala ng langgam, baka discomfort sa kanyang diaper baka need na change, baka gusto magpakarga, baka gusto ang amoy mo mommy, baka naiinitan o kaya naman nalalamigan, baka po may masakit physically na sakanya, baka masakit po ang ulo. ang dami pong dahilan mommy at mahirap po talagang alamin dahil hindi sila nakakapagsalita kaya dapat talaga magaling tayong mag observe para magamay natin yung pag iyak ni baby. kung talagang bothered ka na po sa mga iyak ni baby, try to check nalang din po sa pedia ni baby para makasigurado mi

Magbasa pa

Hi mom! Usually umiiyak ang babies kapag may discomfort silang nararamdaman or kung may di silang makuha na gusto nilang gawin. Try niyo pong i-observe yung iyak niya and pag tumahan siya, try niyo po i-identify kung anong klaseng iyak ito (iyak gutom ba, iyak antok ba). Kapag nag-persist pa mom, you can always turn po to your pedia! Babies are fussy kaya naiintindihan ko po kayo. Malalampasan niyo po ito mom!

Magbasa pa

Salamat po sa mga insights po ninyo. 🤍 Actually talagang inoobserve ko po siya and nagre research po ako ano pong causes and ano pong remedies para sa baby ko po. Minsan po talaga nababahala lang po ako sa tagal niya pong umiyak everyday 🥹

baka naman po may nararamdaman xa na masakit o discomfort mi. try consult a pedia po

baka kabag po try nyo iburp

Baka may colic po si baby