Pagsakit ng balakang at lower abdomen

Hello po, second pregnancy ko na ito mga mi. Sa first pregnancy, almost di ko masyado ininda to. Dec 10 nung nagpositive ako sa PT, Dec 11 when I had my first check up and ultrasound, dito, wala pang fetus pero mas sac na. January 2 when I had my second ultrasound and meron na syang heartbeat. Yung concern ko po, normal ba na meron pong lumalabas na sticky brown discharge? Sobrang konti lang naman pero daily meron lumalabas. Normal din po ba na di nawawala yung sakit ng balakang ko at on and off sakit ng tyan? I was told by my OB na kailangan daw bed rest and naka 3x Duphaston na ako. Pero pa3 days na ako nakabed rest and duphaston, ganun pa din yung pain at yung discharge. Anyone po na same ng experience ko? What else pa po kaya dapat ko gawin? Maraming salamat po..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ipahinga mo lang po mhie.. ako din nagkadischarge noon bloody pa. niresetahan ako ng pampakapit at pinagbed rest ng 2weeks ganyan din po naramdaman ko masakit balakang at lower abdomen. basta ipahinga lang po nawala din naman ang sakit. Ingat po sa paggalaw mhie. Pray lang po kayo lagi na maging okay si baby. πŸ™πŸ»

Magbasa pa
12mo ago

1 day lang po ako nagspotting. Niresetahan ako ng Duvadillan at bed rest ng 2weeks, as in tatayo lang kapag magcr at kakain. After nun pinaultrasound na ko ng OB ko. Okay na si baby. πŸ™πŸ»β˜ΊοΈ Basta sundin mo lang po payo ng OB mo at ingat po talaga sa pagkilos kilos mhie. Maselan ka po magbuntis. Magpahinga ka lang po talaga. Get well soon po!