Nagseselos ako sa pinsan niya

Hi po. Sana po mabigyan niyo po ako ng advice. Kasi po nawawalan po ako ng gana kausapin yung bf ko. (7mos akong buntis pero di pa kami nagsasama) Kasi po nabasa ko yung chat nila ng pinsan niyang babae kasi na oopen ko po yung fb niya. May miss miss na sobra at kiss pa po silang nalalaman. Naaalala ko tuloy nung nagbreak kami dati magkatabi pa daw sila natutulog. Nalulungkot ako at nawawalan ng gana makipag communicate sa kanya. Ang landi kasi ng dating para sakin. Dati nadin kasi siyang pumatol sa pinsan niya nung bata bata pa siya. Ano po kayang dapat kong gawin? Sabi niya biro biro lang daw yun. Please help me. ? nasasaktan ako.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Feeling ko may relasyon un bf mo at pinsan nya. If ever ako nasa situation mo ibreak ko na sya. Di na rin nman babalik trust mo sa kanya. Hingi ka na lang support para sa baby nyo.