Hello po sa lahat ng mommies dito. Hihingi po sana ako ng tulong para po sa kaibigan kong si Zyrah na malapit na manganak. Kahit napaglumaan na gamit po ng mga babies niyo lalo na po mga damit. Ang EDD niya po ay sa March 8, 2021 na. Hindi na din po kasi kaya ng budget ko dahil buntis din po ako. Wala pa po siyang nape-prepare na kahit na ano para sa panganganak niya like newborn/adult diaper, Ethyl Alcohol 70%, cotton balls, baby oil, baby soap/liquid, bath towel, pangnewborn necessities, etc.
Ito po ang sitwasyon niya ngayon:
1. Wala pong magpo-provide sa kanya dahil tinakbohan po siya ng nakabuntis sa kanya. Nasa Greece na po yung lalake bilang kasambahay doon at wala pong ipinapadala kahit piso dahil dine-deny niya na siya ang ama ng bata. Ico-continue po ang kaso pagka-panganak niya at naka-pending na po ito sa PAO last year pa.
2. Paalis na po yung kaibigan ko last year kaso naabutan ng pandemic at ayan na nga po, nabuntis kaya mas lalong hindi makakaalis para mag domestic helper. Wala po siyang pera kahit singkong-duling. Parang pinagkaitan ng langit at lupa. Imagine po yung stress at hirap niya, awang-awa po ako sa pinagdadaanan ng kaibigan ko. First baby niya po ito at may ampon pa siya na isang bata.
3. Ulila na po siya kaya ngayon po ay nakikipanuluyan siya sa kung kani-kaninong mga kaibigan niya para lang maka-survive sila ng baby niya. Nagpaabot na din po ako ng kaunting tulong pero alam kong hindi po iyon sapat kaya nagmamakaawa po ako sa inyo.
4. Hindi po okay ang posisyon ng bata sa loob ng sinapupunan niya dahil siguro sa stress. Ipagdasal din po natin na magnormal delivery siya.
5. Inaalam ko po kung saan siya manganganak. Nasa Quezon City lagpas po ng konti sa PhilCOA area po siya. Ano po kayang mga public hospital doon na walang bayad o mura lang?
Nasa baba po yung latest update niya sa akin ng ultrasound niya. Sa lahat po ng tutulong at ipagdadasal ang normal delivery niya, maraming salamat po at God bless you more!
πππ
Donna Mae Vargas