HELP: Pre-loved Baby Items

Hello po sa lahat ng mommies dito. Hihingi po sana ako ng tulong para po sa kaibigan kong si Zyrah na malapit na manganak. Kahit napaglumaan na gamit po ng mga babies niyo lalo na po mga damit. Ang EDD niya po ay sa March 8, 2021 na. Hindi na din po kasi kaya ng budget ko dahil buntis din po ako. Wala pa po siyang nape-prepare na kahit na ano para sa panganganak niya like newborn/adult diaper, Ethyl Alcohol 70%, cotton balls, baby oil, baby soap/liquid, bath towel, pangnewborn necessities, etc. Ito po ang sitwasyon niya ngayon: 1. Wala pong magpo-provide sa kanya dahil tinakbohan po siya ng nakabuntis sa kanya. Nasa Greece na po yung lalake bilang kasambahay doon at wala pong ipinapadala kahit piso dahil dine-deny niya na siya ang ama ng bata. Ico-continue po ang kaso pagka-panganak niya at naka-pending na po ito sa PAO last year pa. 2. Paalis na po yung kaibigan ko last year kaso naabutan ng pandemic at ayan na nga po, nabuntis kaya mas lalong hindi makakaalis para mag domestic helper. Wala po siyang pera kahit singkong-duling. Parang pinagkaitan ng langit at lupa. Imagine po yung stress at hirap niya, awang-awa po ako sa pinagdadaanan ng kaibigan ko. First baby niya po ito at may ampon pa siya na isang bata. 3. Ulila na po siya kaya ngayon po ay nakikipanuluyan siya sa kung kani-kaninong mga kaibigan niya para lang maka-survive sila ng baby niya. Nagpaabot na din po ako ng kaunting tulong pero alam kong hindi po iyon sapat kaya nagmamakaawa po ako sa inyo. 4. Hindi po okay ang posisyon ng bata sa loob ng sinapupunan niya dahil siguro sa stress. Ipagdasal din po natin na magnormal delivery siya. 5. Inaalam ko po kung saan siya manganganak. Nasa Quezon City lagpas po ng konti sa PhilCOA area po siya. Ano po kayang mga public hospital doon na walang bayad o mura lang? Nasa baba po yung latest update niya sa akin ng ultrasound niya. Sa lahat po ng tutulong at ipagdadasal ang normal delivery niya, maraming salamat po at God bless you more! 🙏🙏🙏

HELP: Pre-loved Baby Items
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

gusto ko tumulong kaso ni singko duling wala ako pera . sana manalo ako ng weteng pra mabigyan sya ng tulong. .. kasi ramdam ko feeling na walang wala.. my work husband ko eksakto lng sa pangkain ., hindi pa kme nakakabayad ng bills current 4months na . 4months preggy ako . im full of stressed .. kasi hirap din sitwasyon na OFW ka walang ipon tapos times na need ur self emergency walang mahugot. lagi kang samahan ni LORD. for your normal delivery sana my malambot na puso tumulong sainyo . kung meron lng ako ... i swear tutulong tlga aq.

Magbasa pa
4y ago

Opo Ma'am. Prayers lang po talaga at buti po ay matatag din ang loob niya. Walang wala po siya na kahit ano at sino sa ngayon kaya kahit magkalayo po kami ay chinecheck ko po siya. Ayaw ko pong sumuko siya sa buhay dahil malalampasan niya din po ito. Totoo po lahat ng sinabi niyo kaya dapat wag magbigay ng buong buo at magtira pa din ng para sa sarili. Salamat po at God bless. 😢🥺❤️💪🙏

Gusto ko sanang tumulong kaso kapos din kami dahil manganganak ako ngayong buwan. Try nyo po magtanong ng public hospital malaking tulong ang philhealth. Stay strong po sa friend nyo . Ipag-pray ko po siya.

4y ago

Okay lang po Ma'am. Malaking tulong na po ang prayers niyo. God bless po sa inyo and have a safe delivery! ❤️

meron po ako pre-loved newborn clothes tie sides. . .ndi masyado nagamit ng baby ko kc malaki sya. . .if may address po kung san pd isend pd ko po mapadala. . .

4y ago

Post reply image

apply po siya single parent i.d tsaka indigent philhealth kung saang lugar siya botante malaki po ang tulong nun, minsan zero na tlga ang bill sa public hospital

4y ago

Taga-Mountain Province po siya pero nalockdown na po sa QC. I-check ko po kung may PhilHealth siya. Baka meron naman since OFW naman po siya dati. I-suggest ko po yang Single Parent ID para makatuling din po sa kanya. Maraming salamat po! ❤️

May libreng paanakan po sa tabi ng maklang hospital sa sandigan bayan, basta po nakapag pacheck up sya dun at may mga record iaacommodate sya dun.

4y ago

Ma'am salamat po. Sabihan ko po siya agad. Dyan po siya nakikipanuluyan ngayon banda sa may Sandigan bayan sa huling update niya po.

Mukhang ok naman po ang ultrasound ng bata mommy. 24 weeks pa lang siya during scan iikot pa yan para pumuwesto don’t worry 😉

4y ago

Kaya nga po sabi ko 24 weeks pa siya during the scan ang baby kasi by 32 weeks usually start mag head down position or cephalic kaya kahit breech or transverse lie iikot pa yan at that stage. Yung kilala ko mga 38 weeks umikot pa ang bata to cephalic kaya normal delivery siya

Qng nsa my sandigan xa libre lang sa batasan super health clinic..

4y ago

Update ko po siya Ma'am. Maraming salamat po.

up

up

VIP Member

Up