PLEASE DON'T JUDGE ME PO, I AM A SOFT HEARTED PERSON THAT SIMPLE WORDS CAN HURT ME POπŸ™

HI PO PLEASE NO HATE PO I KNOW I'M NOT IN A RIGHT AGE YET PARA MACONGRATULATE FOR BECOMING A PARENT SOON. UHM... I'M 19 YEARS OLD BALI KAKA GRADUATE KO LANG PO NG SENIOR HIGH SCHOOL KANINA. AND ANDITO PO AKO PARA MANGHINGI NG ADVICE SA INYO. NAIISTRESS NA PO KASI KAMI NG PARTNER KO AT SYA LANG PO TALAGA ANG NAGHAHANAP BUHAY SA AMIN AT WALA NAMAN SYANG REKLAMO DAHIL RESPONSIBILITY NYA PO YUN. NAAAWA LANG DIN PO TALAGA AKO DAHIL SA TUWING UMUUWI SYANG PAGOD GALING WORK AY WALA MAN LANG PO SYANG MAUWIANG ASAWA NI HINDI KO MAN LANG SYA MAHILOT O MAASIKASO. NASA BAHAY PARIN PO KASI NAMIN AKO AT NAIINTINDIHAN NAMAN PO NAMIN KUNG BAKIT HINDI PA KAMI PWEDENG MAGSAMA, DESERVE DIN PO NAMAN NAMIN. KASO MASYADO NA RIN PO KASI TALAGA KAMING NAHIHIRAPAN. SA TUWING INAABOT SA AKIN NG PARTNER KO YUNG SAHOD NYA AT ITINATABI KO NAMAN MAY TIME PO KASI NA HINIHINGIAN AKO NG PAPA KO NG PA ISA ISANG PANG SIGARILYO NYA KUNG MINSAN SAKIN NA RIN UMAASA NG PANG ULAM NAMIN AT YUNG KINIKITA NYA PINANG IINOM NYA LANG. DI NAMAN PO AKO MAKATANGGI KASI NAHIHIYA RIN AKO SA KANILA. TAPOS TULAD PO NG NAKASANAYAN NUNG HINDI PA AKO BUNTIS TUMUTULONG PO AKO SA PAG SISINSAY NG LAMBAT SA BANGKA NAMIN AT HALOS LAHAT RIN NG GAWAING BAHAY KINIKILOS KO. PAG DATING NAMAN PO SA SIDE NG PARTNER KO HALOS GANUN DIN DI SYA MAKATANGGI NA MAG BIGAY SA PARENTS NYA DAHIL NAHIHIYA DIN SYA NA DUON PA SYA NAKATIRA. DALAWANG BESES PALANG PO AKONG NAKAKAPAG PACHECK UP SA 6 MONTHS NA DINADALA KO. NAAAWA NA PO AKO SA BABY KO. PLANO KO NGA PO SANA AY MAG EENROLL PARIN AKO NG COLLEGE BUT HINDI PARIN SURE DAHIL SEPTEMBER PA PO AKO MANGANGANAK. I'M SURE NAMAN PO KASI NA HALOS LAHAT NG COLLEGE SCHOOLS AY FACE TO FACE NA PO. SABI PO NG IBA NA KAHIT ISANG TAON LANG STOP MUNA AKO AT MAG FOCUS MUNA SA BABY KASO HINDI KO PO TALAGA KAYANG SAYANGIN YUNG ISANG TAON PARA SA PAG AARAL KO:( PLEASE HELP PO NEED KO PO NG ADVICE NYO AT PAG UNAWA KAHIT KONTI NAAAWA NA RIN TALAGA AKO SA PARTNER AT BABY KO:(

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

19 ako nang mabuntis sa panganay ko. Wala pang K-12 noon. Nagstop ako para mag work at makatulong sa magulang ko pero ang nangyari nagkajowa ako at nabuntis. Sobrang natakot din ako, promise kung tatay mo ang tatay ko manginginig ka sa takot. Ang ginawa ko, nag layas ako nang dahil sa takot ko at hiya. Please wag mong gagayahin hindi ito magandang gawain. Ang ending, sinundo ako ng parents ko at tinanggap pa din ako. Imagine sobrang disappointed sila sakin dahil imbis makatulog ay nabuntis ako. Hindi ko akalain na yung papa ko na sobrang tigas ang puso ay lumambot para sa akin at para sa apo nya. Kaya totoong huwag kang mag assume ng mga bagay na hindi pa nangyayari. YOU NEED YOUR PARENTS. Ayaw ng parents ko sa partner ko, pero nanindigan ako na gusto ko nang buong pamilya. Pinagbigayn nila ako na magsama kami. Pero hindi sila nagkamali, naging mahirap buhay ko ng magsama kami, buhay binata sya at walang pakialam sa amin ng anak nya. Ang ending, nagpasundo ako sa parents ko. Sa kanila pa din ako bumagsak. Atleast sinubukan ko para sa anak ko.. Ngayon, Kasal na ako sa asawa ko at sya na rin ang tinuring na ama ng panganay ko. Buntis din ako ngayon sa sarili naming anak. At nagbubukod kami. Ewan ko kung may connect ang kwento ko. Pero sa tingin ko, kailangan nyong mag bukod at kailangan in good terms pa din kayo sa mga magulang nyo yan lang ang natutunan ko. Ipaliwanag nyo lang at magdesisyon na kayo para sa sarili nyo, pero wag kakalimutan pa din ang respeto sa magulang dapat lagi kayong komunsulta pa din pero in the end kayo pa din ang magdedesisyon..

Magbasa pa

Ang tamang desisyon ikaw makakapagsabi. Need mo muna mag set ng priorities at isipin mga consequences. Halimbawa, pagka nag-aral ka na ngayong taon. Kakayanin ba in terms sa mga resources halimbawa time kay baby (Meron ba mag-aalaga) at realistic ba yun sayo di ka ba maselan magbuntis. Tingin mo matatapos mo din ba ng isang semester or alangin sa school year? Icompute mo yung delivery date vs end of school year. Kung bubukod naman kayo, isipin mo magkano nagagastos nyo ngayon vs sa pagbukod; upa, kuryente, tubig at pagkain. If ever din mag-aral ka sino magbabantay kay baby? baka mapadoble kayo ng gastos kasi for sure mag aabot ka pa din sa taga-alaga nya pagwala ka sa babhay Personally, pero depende pa din sa preference mo. Para saakin lang ang pinaka practical dyan muna kayo sa bahay ng isa sainyong dalawa. Kesa magbukod, kausapin nyo parents nyo na mas doable pagmagkasama na kayo sa isang bahay. Iexplain nyo. Pero kung di sila pumayag. Tiis muna. Yung sa studies, proud ako na gusto mo pa din ituloy yan. Sipagan mo lang at pagisipan kung kakayanin sa time atbp. Pero mas maganda kung ituloy mo. Magingat ka lang sa byahe at medyo majujudge ka din ng mga ibang tao. Tapangan mo at ipagpray ka namin. God bless πŸ™

Magbasa pa

Hi be. May advice for you bumukod na kayo I know hindi madali pero its better na mag arkila nlng muna kayo kase ang hirap nang ganyan both side kayo nakatira mas magastos pa pwede parin nman kayo mag bigay sa parents niyo kahit konti paminsan-minsan kase magastos na pag may baby na kayo pareho ganyan lahat ng trabaho na sayo pa kaso sa susunod maiintindihan din yan ng mga parents niyo kase pamilyado na kayo, kayo kase mahihirapan at di makakaadjust pa ganyan situation niyo at sa pag aaral nman same tayo di rin ako nag continue sa college muna kase mahirap irisk pag buntis. Mas mabuti kayo munang dalawa ng partner mo kase mkakafocus ka sa kanya at sa baby mo pareho niyan dalawang beses ka lang nakapagpacheck up may vitamins ks bang iniinom? Basta for me best advice magbukod kayo mahirap sa umpisa masasanay na rin yang fam niyo pag nag tagal.. God bless be stay strong and be safety sa inyo ng baby mo. 😊

Magbasa pa
3y ago

may vitamins na po ako kaso lang dahil 16 weeks na akong pregnant at nasa 2nd trimester na ako nun dun lang din ako naresetahan at dun lang din ako naka pag folic acid natatakot po tuloy ako lalo na yung mga nalalaman ko na nagkaka neural tube defects yung ibang baby dahil hindi nasuportahan ng prenatal vitamins nung first trimester. hoping na okay po si baby. sa katapusan pa po kasi yung sched. ng first ultrasound ko. narinig ko na rin po naman yung heartbeat nya at malikot na sya.☺️ thankyou po sa advice sobrang naaappreciate ko, iipon lang po ako ng lakas ng loob para mag open up sa kanila❀️

"di ko kayang mag open up sa parents ko" -- ghurl! kayanin mo. kase pag hindi mo kinaya, walang mangyayari. "expected ko po talaga di papayag si papa" -- you'll never know if you'll never ask. Focus on one thing muna which is your pregnancy. If gusto mo parin mag aral, do it after mo manganak. Sayang ang isang taon, Oo. Pero mas sayang kung magttake risk kang pumasok ng school , mag-aral, ma stress at mapahamak ang baby mo at ikaw in the end. Ask your parents, open up. Ask for guidance. If mapapagalitan ka at masusumbatan need mo tiisin yun. Pero be firm padin sa desisyon mo kung gusto nyo na talagang bumukod. Kaya namin mag bigay ng advice, pero ikaw parin mag d-desisyon nyan. Kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan. Ingat mii. 😘

Magbasa pa
3y ago

agree po ako ky maam dito. 6 months na tyan mo hndi na masyado maselan,pero dpat pag bumokod kayo ng prtner mo sure ka din na hndi ka masstress if naagbibigay sya sa fam nya,i mean if malaki sweldo nya sa inyo at sa fam nya. at ang paninigarilyo,hndi yan mbuti sa bata kahit hndi ikaw mismo yung naninigarilyo. exposed ka

bumukod nalang kayo ng partner mo although hindi ganon kadali pero ayos na rin yon maaga kayo bumukod para masanay na kayo since magkakaron na kayo sarili nyong pamilya. I'm 21 din po and 3rd year college. Nung nabuntis ako binukod agad ako ng partner ko and now may sarili na kaming inuuwian, sya lang din nagwowork samin. Tumigil ako magwork nung 5mos na tyan ko. Kinakaya naman kahit ganon kaya for sure makakaya nyo rin magbukod muka naman masipag partner mo. Kung natatakot kang baka di pumayag papa mo, kailangan mo na manindigan sis at magdesisyon for yourself since magiging nanay kana. About naman sa school, okay lang yan mahuli ka ng isang taon kung para naman sa baby mo. Hindi naman karera ang pagaaral, ang mahalaga ay magtatapos. Kaya mo yan sis. Stay strong.

Magbasa pa
VIP Member

I admire po yung kgustuhan mo mkpgtpos despite maaga ka mgkabby, tama yan sis ipush mo. Para sa future niyo wag mo sukuan,, pero sa ngayon ifocus mo lang muna tlaga ang time mo sa pagpapalaki kay baby, bata kpa naman walang problema kung after 1 or 2 yrs ka na magtuloy.. Sa situation niyo naman ni hubby, tutal wala naman kayo kamo sarili pang thanan siguro. Magtiis muna kayo na ksma parents niyo lalo na pg labas n baby kailangan m ng katuwang s pag alaga, i advice u na mgopen ka kaya mg bank account para yung tinatbi m n pera pra s anak niyo e hndi tlaga mabwasan, mgbgay kman s ppmlya mo at least naitabi mo na yung pra s anak niyo.. Kapag hawak m lng ksi hndi pnigurong hndi maddujot agad. Goodluck ang kaya niyo yan!

Magbasa pa
TapFluencer

19 din ako, college na ayaw ko din ihinto yung pag-aaral ko kasi ilang bwan nalang 3rd year na ako. pero no choice po need mag sacrifice kasi sobrang stressful po ng pagaaral at pagiging nanay. Di naman po nagpapaunahan sa school, Di na nga po sumasapat yung budget ninyong magasawa kasi may mga humihingi pa sainyo e. Try mo nalang mag benta benta sis para makatulong ka sa asawa mo tapos bumukod na kayo. πŸ€— Budget mo rin yung sahod ng asawa mo para may pera po kayo para sa gamit ni baby at mga check ups mo and vitamins. Sariling pamilya nyo na po yung isipin nyo, kasi matatanda na yan sila at kaya na nilang magtrabaho para sa mga gusto nila di mo na po yun obligasyon. πŸ€—

Magbasa pa

actually 19 is like a yound adult. wag ka matakot na magdesisyon para sa sarili mo at sa baby mo. Nakatira din ako sa parents ko kasi breadwinner ako (23 na ako) 1st baby ko to. pagdating sa financial very strict ako. DAPAT LAGING UNA SI BABY. KASI ANG KATWIRAN KO. PAG LUMABAS TO NA MAY SAKIT. MAS MALAKING PROBLEMA. BAKA HALOS ARAW ARAW KAMI NASA OSPITAL PLUS YUNG PAG AALALA MO PA. maiintindihan yan ng parents mo. sabihin mo "eto nalang po pera ko para nlng po sa baby ko" Since nabuntis ako. ganun talaga may mga bagay tayong kailangan natin gawin kahit pa kakapalan ng mukha para sa anak natin.

Magbasa pa

Nkakapagprenatal ka pa ba kahit nagaabot ka sa parents mo? Nasabi mo dn ba na ung pera ay galing sa partner mo? Kausapin mo muna partner mo kung ano mas maganda sa situation nio. Kung pede dun ka muna sa bahay nila or if mas maganda na bumukod n lng kau if kaya ng budget. whichever is less stressful sau. Since 19 ka nman na, pareho nman na kaung nasa legal age. Pede ka pa magenroll sa susunod na sem kaya focus mo muna health and wellbeing ng baby mo. mabilis lang un dadaan. Kung ayaw mo masyado mapagiwanan ng friends mo pede ka nman kumuha ng extra courses nxt sem or summer courses sa mga minor subjects.

Magbasa pa
VIP Member

Need sacrifice mamshie☺️ lalo na kung para kay baby. Madali lang naman ang 1 taon. For me mas ok na mag stop nalang muna u mag aral or kahit ma delay kalang ng enrol kung talagang like mo mag aral talaga magandang goal yan. Kaso iba na kasi situation nyo ngaun mag kaka baby na kau. Mas need na matutukan ung pag bubuntis mo. Lalo na ngaun napakahirap mag buntis dahil pandemic. Ung about naman sa financial ok lang magbigay sa both sides nyo un nga lang may limitation kasi mag kaka baby na kau need nyo ng savings para sa needs nyo ni babyπŸ₯Ί

Magbasa pa
3y ago

hindi ko po kasi kayang mag open up sa parents ko ng pinag dadaanan namin ni partner kasi feeling ko sasabihin lang nila na "pinasok pasok nyo yan tapos magrereklamo kayo" ganun po kasi yung papa ko. i know naman po in the first place na may mali talaga kami pero yung point naman po sana namin maintindihan din nilaπŸ˜”.

Related Articles