baka maoverdue

Hello po, pashare naman po ng opinyon niyo. I'm 39 weeks and 6 days na, in short due date ko na po bukas pero wala pa rin akong nararamdaman.. . nagaalala ako na baka maoverdue tapos yung ob ko sa check up wednesday pa darating, ang sabi nila dun ok lang naman daw lumagpas.. . ok lang ba talaga? Or ok lang pero may malaking chance na hindi at baka makakain sya ng pupu?.. . first time mommy din po kasi ako, nakakaramdam po ako ng sakit pero saglit saglit lang tapos mawawala din, may pinatake na din po sakin na evening primrose oil.. . takot talaga ako maover due, kasi kaming tatlong magkakapatid na over due daw kami sabi ni Mama kaso yung bunso samin ang nadelikado kasi dami nyang nakaing pupu to the point na naiuwi na namin sya sa bahay pero may nakatusok pa rin sa kamay nya tapos dinadalaw dalaw pa rin sya ng doctor pero icheck up.. . ayokong mangyari sa anak ko.. . tagtag na tagtag na rin po ako, kasi nagtatrabaho po talaga ako sa field nito lang ako nagpahinga.. . nakapwesto na rin si baby tapos ang sabi sa ultra sound ko hinog na hinog na daw yung placenta ko, kumbaga sa mansanas pulang pula na. . kaso ni wala pa talagang paramdam yung katawan ko ng labor, super worried na talaga ako ngayon

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag antay pa po kayo ng konti. Sa panganay ko mismong due date ko walang sign of labor o ano pero may dugo na lumalabas sa akin noon. Kaya lang ung ob ko tinatakot ako na dapat manganak na ako kesyo ganito o ganyan. Tapos pina admit niya ako emergency cs daw so ayun nagpa admit na ako kasi sa takot ko. Tanghali nasa hospital na ako pero ilang oras lang sumasakit na tiyan ko tsaka balakang na di ko na alam gagawin ko nakita din ng mga nurse nahihirapan ako kaso panay turok nila ng pampatulog dahil aantayin pa ob ko. Nung kinagabihan dumating ob ko nakita nila na dinudugo na ako(naglelabor na ako) pero tuloy parin cs kasi ung anesthesiologist galing pa ng manila eh taga pampanga ako, ang nangyari dahil lumalabas na anak ko noon nung pinanganak siyang cs mahaba ulo niya. As in mahaba talaga hinihilot hilot lang konti kaya bumilog. Bago due date ko umiinom din ako ng binigay na gamot pampahilab tsaka panay lakad ko at squat at linis ng bahay para matagtag nauwi din ako sa cs. Sabi ng midwife sa akin noon(ung midwife na nagpaanak sa ate ko) sana daw nag antay pa ako ng 2 days

Magbasa pa

Hi mommy!ganyan din po ako nung nkaraan.kc po 39weeks and 6day npo ako nung july 2.so due date ko n po ng july 3 kaya po nagpacheck up n po ako nunh july 2.inay E ako 1cm plng dw kaya pinag BPS ultrasound nila ako.so ayon nga nagpaultrasound ako nkita s ultrasound wala nko panubigan.kelangan n dw mailabas c baby kc baka dw mkakakain c tae c baby kaya ayon.na caesarian ako.gudluck po mamsh pacheck kna po ngayon s o.b mu

Magbasa pa

Sa case po ng kaibigan ko ganyan din po wala pa po siyang symptoms na mag lalabor siya and ng overdue nga po siya. So instead po na normal dilivery ko siya na CS po siya kasi kailangan na ilabas ni baby. So better po go po kayo sa hospital just to make sure.

Pag panganay madalas po talaga umaabot ng 41 weeks sa panganay ko kasi 41weeks and 5 days ko sya inilabas ok nman sya di nman nakakain ng dumi..40 weeks ok pa sya tlaga sabi ng ob ko dati iinduce ka nila pag di kpa nanganak tapos nsa 41 weeks kana.

VIP Member

40weeks po ang 9mos momsh. Hindi pa po overdue yan.Iba nga 42weeks nanganganak.Lahat kasi yan nakadepende sa baby mo kung kelan niya gusto lumabas😊relax ka lang kausapin mo lang siya at mag pray na din

Naku pumunta kana sa Ob m mommy dahil kng hindi ka pa naka ramdam ng pain tpos overdue kana eh induce kana nyan para mag lalabor kana.. Ganyan din sakin dati eh..

Sabi po sken ng ob ko the earlier the better daw po. Mas maaga sa due date mas ok kc may instances na bka makakain nga ng popoo si baby.

5y ago

Try ko kaya ulit pumunta sa ospital bukas

VIP Member

Kung panganay okay lang kahit umabot sya ng 1 week. Kunh wala kapang nararamdaman iinduce ka naman nila para itry inormal

5y ago

Ok lang po kaya kung sundin ko yung sa July 10 na daw po ako balik kasi July 10 pa po yung ob ko